Skip to content

AIKO gustong ‘DYOWAIN’ si PIOLO; pwede rin daw si P-NOY, pero…

March 9, 2013

aiko melendezSA nakaraang pocket interview kay Aiko Melendez para sa Apoy Sa Dagat ay buong ningning na inamin ng aktres na kinikilig siya kay Piolo Pascual dahil sobrang guwapo raw, sayang nga raw at hindi sila puwedeng magkaroon ng romantic scenes dahil nanay siya ni Angelica Panganiban na partner  naman ng aktor.

Kaya natanong si Aiko kung type niyang maging boyfriend si Piolo since pareho naman silang single ngayon? “Ay, napi-pressure ako,” tumawang sabi ng aktres.

“Magkasing-edad lang kami, huh?” biro pa ni Aiko.

Inamin ni Aiko na hindi umaapoy ang lovelife niya ngayon, tatlong taon na siyang walang boyfriend, aniya iniuukol na raw niya ang panahon niya sa dalawa niyang anak na sina Andrei at Martina.

“But I’m happy maski walang lovelife, kasi ngayon ko lang nae-enjoy ‘yung mga anak ko ‘coz I didn’t file nga this election, kasi nga for nine years, na-burn out ako sa politics, even my own kids were complaining na wala akong oras for them.

“So, this is the right time for everything na when I signed for ABS-CBN for this project, naging magandang senyales ‘yung hindi na muna ako tatakbo,” paliwanag ni Aiko.Kaya naman natanong kung na-trauma si Aiko sa huling naka-relasyon niya, “Ha-hahaha! Sino ba ‘yung last?” natawa  niyang sagot.

Hindi binabanggit sa takbo ng interview ang huling nakarelasyon ni Aiko na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na BF na ngayon ng dati niyang kaibigang si Ara Mina.

At tumango si Aiko nu’ng tanungin namin na hindi pa sila okay ng nasabing Mayor, “Malay mo, sa pamamagitan mo?” birong hirit sa amin ng aktres.

At magugulat ka bossing Ervin dahil ang payat na ni Aiko ngayon, “I lost one human body already, I think I lost 22 pounds to be exact and trying to aim pa another 22 pounds.”

Tuluy-tuloy na raw ang pagpapapayat ng aktres dahil seryoso siya sa pagbabalik niya sa showbiz, “I do lipo shots twice a week, all machines and diet, so pag walang lovelife, dito ituon sa pagpapaganda.”

Nang tanungin namin kung nagbi-bikram si Aiko ay isang malutong na tawa ang isinagot sa amin, “Ayoko!” sambit niya.

Nahulaan na ng lahat kung bakit kaya tinanong siya kung willing makatrabaho ni Aiko ang dating kaibigan si Ara, “Naku, baka magka-ideya ang ABS, not now, hindi pa ako handa.”

Kaya naman pala ni Aiko ang walang lovelife, “Mas okay pala, akala ko hindi ko kaya, kaya ko pala.

I’m not closing my door, pero for now, kaya ko pala, lalo’t nandiyan ang mga anak ko na sila lang ang nagbibigay ng relasyon para sa akin.”

At dahil hindi naging successful ang mga nakaraang relasyon niya sa mas bata at kasing edad niya ay naghahanap naman daw siya ngayon ng mas matanda sa kanya.

“Baka kailangan ko naman ‘yung mas mamahalin ako kaysa ako ang mas higit na magmamahal sa kanya, siguro ‘yun ‘yung kailangang kong matutunan din at pagdaanan na hindi laging ako na lang ng ako.

Dapat pareho, it takes two to tango,” katwiran ni Aiko.

Anong edad na ba ang hanap ng aktres, “Siguro I can go as 45 since I’m 37 now.” Sinundot namin ng tanong kung type niya si Presidente Noynoy Aquino na most eligible bachelor ngayon.

“Ha? Nakakatawa, mina-match mo ako sa Presidente? Ha-hahaha! Na-pressure ako du’n,” sagot sa amin ni Aiko.

Sabi namin sa kanya very much single naman si P-Noy ngayon? Katwiran ng aktres, “Pag hindi na siya presidente para walang iisipin ang ibang tao kung sakaling ma-link kami or ano ang habol ko lang, e, posisyon niya.”

“Ganyan ba talaga ang topic sa interview natin, si P-Noy?

Hindi kaya matanggal tayo sa kinauupuan natin,” sundot uling sabi ni Aiko sa amin.

Samantala, inamin din ng aktres na anytime soon ay mapapanood na ang panganay nila ni Jomari Yllana na si Andrei sa isang TV show dahil gusto raw ng bagets mag-artista.

“Yes, may meeting na ako next week, hindi ako ang manager, hindi ko pa alam kung anong network.

Kasi vacation na siya so, pag-uusapan namin ‘yan ni Jomari kasi may sina-suggest siyang manager and kung ano ‘yung mga limitations ni Andrei, so isi-seal lang namin ‘yung deal, next week namin kakausapin ‘yung manager.”

Going back sa Apoy Sa Dagat, inamin ni Aiko na pressured siya sa role niya bilang tumandang Nikki Gil bilang Odessa dahil ang galing-galing daw nito sa nasabing serye.

“Last year tinanong ko si Ms. Anna Goma (production manager) who’ll be playing the role of Aiko, sabi niya si Nikki Gil, so after nu’n, nu’ng i-tape nila ang pilot week, pinanood ko muna bago kami mag-taping kasi kokopyahin namin talaga kasi siyempre, pressured din for me kasi ang galing si Nikki, di ba?

And she nailed it. So, na-pressure talaga ako, hindi ko alam kung paano huhugutin ang character ni Odessa dahil ang tagal niyang nawala.”

Nakakatuwa si Aiko,  considering na magaling siyang aktres pero aminado siyang may pressure sa kanya ang iniwang character ni Nikki.

Aminado rin siya na sobrang bilib siya kina Piolo Pascual, Angelica Panganiban at Diether Ocampo na first time niyang makakatrabaho lahat.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: