Skip to content

Oyo ayaw pang pabalikin si Tintin sa pag-arte; Dingdong ipinagtanggol si Marian

March 8, 2013

Ni Ambet Nabus

MAGBABALIK na sana sa  pag-arte si Kristine Hermosa, misis ni Oyo Sotto. Pero chika ni Oyo baka hindi na muna ito matuloy dahil hindi niya gusto ang ibinigay na role sa kanyang misis.

Ani Oyo, may offer daw kay Tintin na teleserye pero nanay daw ang magiging role niya. Ayon sa aktor, pwede pa naman daw na gumanap na dalaga ang kanyang asawa dahil sa itsura nito ngayon ay mukha pa rin daw itong walang asawa at mga anak.

***

Diretsong sinabi ni Dingdong Dantes na deserving tanghaling Best Actress si Marian Rivera para sa epic serye ng GMA na Amaya.

“Sa dami ng pinagdaanan ng karakter niya du’n from being a slave, warrior, princess, lover, daughter, nakita ko rin ‘yung development niya as an actress. Mahusay siya,” dagdag depensa ng aktor kay Marian sa mga kumukuwestiyon kung paanong tinalo ng aktres si Nora Aunor.

“Lagi namang may ganu’n. That’s normal. Ang importante ay yung pagpapahalaga na nakikita ng mga grupong nagbibigay ng award at ‘yung kredibilidad nito,” hirit pa ni Dingdong nang makapanayam namin sa pocket presscon ng Pahiram Ng Sandali.

Speaking of which, hanggang March 15 na lang pala ang toprating GMA 7 show pero natutuwa si Dingdong na masusunod ang iskedyul nila, “Talaga kasing doon na papunta ang soap. Hindi ‘yun tipong mag-e-extend pa dahil wala ka nang ma-strech sa kuwento. Super happy and grateful lang kami dahil consistent na maganda ang rating ng show at marami talaga ang nagre-react sa takbo ng kuwento,” paliwanag pa ng aktor. (end)

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: