Skip to content

News blackout sa aktor na nahuling may droga?

March 8, 2013

Ni Cristy Fermin

HANGGANG ngayon ay malaking palaisipan pa rin para sa marami ang pumutok na balita tungkol sa pagkakasangkot ng isang pamosong aktor sa isang matinding isyung may kinalaman sa isang bisyong sumisira sa kaisipan at pisikal na aspeto ng isang tao.

Pumutok ang kuwentong ‘yun, pero bakit nga ba biglang nanahimik ang kapaligiran tungkol du’n? Lumabas ang balita, kasama diumano ang pamosong aktor sa naganap, pero ang nakapagtataka lang ay kung bakit biglang namatay ang kuwento tungkol sa kanyang pagkakadamay sa usapin.

Sabi ng aming source, “‘Yun mismo ang ikinuwento ng mga nakakaalam ng issue, kasama siya sa hulihan, nakasakay siya sa car na hinuli, pero ano nga ba ang nangyari at biglang nawala ang issue?

“Kilalang-kilala siya kahit saan, magaling siyang aktor at marunong sa buhay, maganda ang image niya mula pa nu’n, kaya nakapagtataka talaga kung bakit nagkaganu’n ang kuwento tungkol sa kanya.

“Pero naalala ng mga friends ko, noon nga pala, e, meron na ring kuwento tungkol sa isang bisyo. Ang kuwentuhan pa nga noon, e, isa siya sa mga nagpaparating nu’n, kaya raw biglang yaman siya!” biglang kambiyo ng aming impormante.

Kumokontra ang isip ng mga nakabalita tungkol sa nangyari sa kanya, hindi raw niya kayang gawin ‘yun, napakatino kuno ng pamosong aktor na ito para mapadamay sa isyung itinuturing na pinakamalaking problema ngayon sa mga kabataan.

“Pero di ba, kung minsan nga, e, nagugulat na lang tayo dahil kasali pala ang isang personality sa isang bagay na parang napakalayo niyang gawin?

“Sana nga, e, hindi siya involved du’n, napakagaling pa naman niyang makisama, mahusay siyang aktor at masinop siyang humawak ng pinaghihirapan niya!” madiin pang pahayag ng aming source.  (end)

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: