Skip to content

Ethel Booba malabo nang makabalik sa Wowowwillie

March 8, 2013

Ni Cristy Fermin

KUNG  meron pa sigurong kahit gahiblang pag-asa lang tungkol sa posibilidad ng pagbabalik ni Ethel Booba sa Wowowillie ay walang-wala na ‘yun ngayon dahil sa mga kabastusang pinaiiral ng komedyana sa Twitter.

Ngayon ay hindi na nagtataka pa ang ating mga kababayan kung bakit siya tinanggal sa noontime show, si Ethel Booba na kasi mismo ang nagkakanulo sa kanyang tunay na kulay, isa siyang tuklawerang personalidad.

Sabi ng aming kausap, “Tingnan n’yo ang babaeng ‘yun. Pagkatapos siyang tulungan ni Willie Revillame, pagkatapos siyang bigyan ng magandang break sa Wowowillie, e, ganito pa ang igaganti niya du’n sa tao?

“Wala siyang utang na loob, wala siyang kahihiyan, wala siyang karapatang tulungan dahil wala siyang pagpapahalaga sa mga taong nakatutulong sa kanya. Bastos na siya, e, wala pang utang na loob!

“Ano ngayon ang pinagsasasabi niya? Kesyo si Willie raw, kung tumulong, e, pakitang-tao lang naman. Marami raw siyang pasasabugin tungkol kay Willie, charot lang daw kasi ang ginagawa niyang pagtulong sa mga kababayan natin.

“Di ba naman, napakawalang utang na loob ng babaeng ‘yun na pagkatapos bigyan ng chance na maging co-host ni Willie, e, siya pa mismong nangangagat ngayon sa kamay na mismong nagpala sa kanya?” mahabang komento ng aming kausap.

Minsan pang tumaya sa maling kabayo ang aktor-TV host. Ngayon siguro ay alam na ni Willie Revillame na hindi sapat ang pagkaawa at kagustuhang makatulong lang sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan.

“Isang malaking bato si Ethel na napulot ni Willie na ipupukpok lang pala niya sa ulo. Nabalewala ang lahat, kinagat pa siya ni Ethel, bastos talaga ang babaeng ‘yun!” konklusyon pa ng aming impormante.

Hindi lang si Willie Revillame ang nasaktan sa ginawang pambabastos sa kanya ng komedyana, ang kanyang staff ay narindi rin kay Ethel Booba, bagay na bagay raw talaga sa babaeng ito ang kanyang pangalan. (end)

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: