Skip to content

HEART handa nang maghubad at magpasilip, di na mapipigil ni CHIZ

March 7, 2013

heart evangelistaNgayong hindi na nakikialam si mommy

‘Ako na ang nagdedesisyon para sa sarili ko!’

NAGAGAWA na ngayon ni Heart Evangelista kahit na ano ang gustuhin niya nang hindi nakikialam ang kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang mommy na nakilala nga sa mundo ng showbiz bilang sobrang istriktong nanay.

Pumirma muli si Heart ng exclusive contract sa GMA 7 nu’ng Martes, at sinabi nga ng Kapuso actress na malaya na raw siyang nakakapagdesisyon para sa kanyang sarili, kasama na nga diyan ang kanyang lovelife.

Ibig sabihin kahit na ayaw ng kanyang mga magulang kay Sen. Chiz Escudero ay wala nang magagawa ang mga ito dahil ‘yun ang gusto niya.

Nagulat nga ang entertainment press na dumalo sa nasabing contract signing dahil very open na si Heart sa kanyang emosyon, kung noon ay hindi niya naikukuwento ang naging relasyon niya noon sa kanyang nanay, ngayon ay para na lang silang best friends kung maglokohan.Una, ipinagtanggol ni Heart ang kanyang ina sa mga bumabatikos dito na kesyo kilabot na stage mother, pakialamera, epal, mataray at kung anu-ano pa, “She has a strong personality kasi, pero hindi naman siya masama, mukha lang talaga siyang mataray,” natatawang chika ng aktres.

“But she’s sweet and very kind. Na-realize ko kasi na ganu’n talaga lahat ng nanay, sobrang protective, but now, okay na kami.”

Dagdag pa niya, “A lot of people are judging her that way, of course we also have misunderstanding, pero hindi naman yung ganu’n kasama.

She is a mom, and she’s my ‘mommyger’ (mommy and manager) kaya dapat nagtutulungan kami.”

Mas naging close pa raw sila ng kanyang mommy ngayon, “That’s why nagaganu’n (nabibiro) ko na siya ngayon, I guess kasi nandu’n na ‘yung tiwala niya sa akin.

Siyempre I just turned 28, and nasa tamang edad na to decide for myself.

And the communication is better now kaya naloloko-loko ko na siya.

Before kasi hindi talaga.

And gusto niya rin na i-express ko na kung ano ‘yung gusto ko, and she understands naman na kailangan ko namang maging independent sa buhay.

Kaya mas masaya ako sa career ko.”

So, siya na talaga ang nasusunod ngayon sa lahat ng bagay? “Yes, but of course, yung guidance niya nandu’n pa rin.

She let’s me naman, na kung ano ang gusto kong gawin, nagagawa ko na.

Like planning to pose for a men’s magazine, I’ll ask her, ‘Do you think this cover would be too much or kung gagawin natin ‘to may suggestion ka ba?’ ‘Yung ganu’n, give and take na kami. But she allows me na to decide for myself.”

Nagpapaalam ba siya kay Chiz sa mga gagawin niyang desisyon?

“Hindi naman kailangan, kung sa parents ko nga gusto kong maging independent, I dont want to rely on anybody para makuha ko ‘yung gusto ko.

Kasi nasa stage ako ng buhay ko na I know what I want, and I need to do what I want to do, because there’ll come a time na it’s time for me to move on and do something else. I don’t listen to anyone, I listen to myself.”

Handa na ba siyang magpaka-daring? Kaya na ba niyang makipag-love scene nang bonggang-bongga sa pelikula tulad nina Angel Locsin at Anne Curtis? “Yes, I’m ready now, tingin ko naman kaya ko na, basta kailangan, ‘yung drama talaga.

I’m an actress, sayang naman ‘yung mga pinagdaanan ko sa buhay, all the hearthaches kung hindi ko siya magagamit sa pag-aartista ko, di ba? E, ang dami nu’n na pwede kong paghugutan.”

“I’m also very open now to pose for a men’s magazine but I’m just thinking when or what time, and why would I pose for them.

Tsaka gusto ko, ‘yung magiging concept niya ‘yung makakatulong sa mga next move ko as an actress.

Ayoko namang gawin ‘yun for nothing, dapat may purpose,” hirit pa ni Heart.

Anyway, present din sa pagpirma ng kontrata ni Heart sa GMA sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, GMA Entertainment TV’s OIC Lilybeth G. Rasonable, Vice-President for Entertainment TV Marivin Arayata, Assistant Vice-President for Drama Redgie Acuña Magno, Assistant Vice-President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Program Manager Hazel Abonita, at ang nanay at manager ni Heart na si Cecile Ongpauco.

Siyempre, super happy su Heart na may exclusive contract na siya sa Kapuso network, “It’s a blessing to be here.

Hindi ka nawawalan ng trabaho.

They appreciate your hard work. I can say that I’m content with what I have here.”

Sey naman ni Atty. Gozon, “Si Heart ay isa sa ating mga pinakamamagaling na artista.

Ang Heart sa tagalog ay Puso. So she really belongs here. ”

Bukod sa afternoon series na Forever with Geoff Eigenmann, regular din si Heart sa Party Pilipinas at magiging host na rin sa iBilib with Chris Tiu.

Gusto rin daw niyang makasama sa susunod niyang mga proyekto sina Alden Richards at Aljur Abrenica.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: