Skip to content

OYO: Wag niya lang sasaktan si DADDY!

March 6, 2013

pauleen lunaTanggap na ang relasyon nina Vic at Pauleen, pero may banta

Vic biglang bumata: Sumisipsip kasi ako ng kabanguhan!

NAKORNER ng ilang members ng entertainment press si Oyo Sotto pagkatapos ng presscon ng bagong sitcom ng GMA 7, ang Vampire Ang Daddy Ko na pagbibidahan ng tatay niyang si Vic Sotto at ang child wonder na si Ryzza Mae Dizon.

Tinanong si Oyo kung nagkaroon na ng chance na magkita-kita sila nina Bossing at Pauleen Luna, ayon sa mister ni Kristine Hermosa, wala pa raw talagang pagkakataon.

Pero kung kailangan daw talaga silang mag-meet, wala naman daw problema sa kanya ‘yun.

Unang-una, tanggap na raw niya ang relasyon ng kanyang ama at ni Pauleen, “Kung one time magsasama-sama kami, e, di hi, hello!” nangingiting sey ni Oyo.

“Kasi ang iniisip ko tatay ko pa rin siya, yung respeto ko kay daddy, nandu’n lagi ‘yun, hindi pwedeng mawala.

Wala pa talagang chance na mag-meet kami, pero okay lang naman, sabi ko nga, kung anuman ang desisyon ng daddy, ke mali pa ‘yun o tama, kailangan namin siyang respetuhin, pero kung nakagawa man siya ng maling desisyon, siyempre, nandito lang kami lagi para sa kanya,” paliwanag ng aktor.

Patuloy pa nito, “Tama o mali, may matututunan at matututunan ka pa rin naman, e. so, mali man ang desisyon mo, panalo ka pa rin naman, kasi at least natuto ka sa buhay.”

Pero galit ba talaga siya kay Pauleen? “Hindi ko nga alam, e, may nagsasabi galit daw ako sa kanya, hindi naman, sabi ko medyo naiilang lang ako.

Hanggang du’n lang ‘yun.

E, wala naman siyang ginawang masama sa akin.

Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya.

“Siguro kapag sinaktan niya si daddy, siyempre, sa edad ni daddy, gusto ko yung maging masaya na siya, aalagaan siya habangbuhay, kung talagang through thick and thin, sasamahan talaga siya.

Yun naman ang gusto naming lahat, ang makahanap na siya ng partner in life na talagang aalagaan siya,” esplika pa ni Oyo na gaganap na tatay ni Bossing sa Vampire Ang Daddy Ko.

Yes, siya naman ang magiging ama ni Vic sa nasabing sitcom bilang leader ng mga bampira.

Tinanong uli si Oyo kung sa tingin niya, totoong maligaya si Vic kay Pauleen?

“Mukha naman siyang masaya, nakikita naman sa itsura niya, di ba?

Ang daming nagsasabi na bumata, mas lumakas pa.

So, siguro naman ‘yun na ‘yun!”

Actually, nu’ng tinanong si Bossing during the presscon kung bakit fresh na fresh ang kanyang itsura, ang kanyang naging tugon, “May lahi akong bampira, eh! Sumisipsip ako ng kabanguhan!”

Anyway, sa March 9 na magsisimula ang Vampire Ang Daddy Ko sa Sabado Star Power ng GMA pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories, makakasama rin dito sina Glaiza de Castro, Bea Binene, Derrick Monasterio, Jackilou Blanco at Ms. Pilita Corales.

At siyempre nandiyan din sina Jimmy Santos, Anjo Yllana, Jin Ri Park (lady DJ sa Monster Radio), Jacque Oda at Sef Cadayona.

Sabi ni Bossing, kung na-miss daw natin sa TV ang Okay Ka, Fairy Ko, ito na raw ang kasagutan diyan.

Pero hindi na nga mga engkantada ang bida sa kuwento, kundi mga bampira na! Ito ay mula sa panulat at direksiyon ni Bibeth Orteza.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: