Skip to content

Naunahan si SAM MILBY…PIOLO, SHAINA may relasyon na nga ba?

March 6, 2013

piolo pacualMUKHANG may katotohanan ang issue kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao  dahil nakita naming magkasama ang alawa noong Lunes nang gabi sa California Berry Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City kasama sina katotong Vinia Vivar at Maricris Nicasio.

Hindi kami napansin ni Shaina na nasa loob kami ng venue kaya dire-diretso siya kaya nagulat siya nu’ng batiin namin at nang papasok na si Piolo ay hindi na rin nakaiwas, knowing him di ba bossing Ervin, laging tumatakbo?

Anyway, nagtanong kami sa common friend ng dalawa at ang sabi, “Hindi ko alam kung nanliligaw, pero nagkakasama sila sa running, bikram, magkasama rin sila sa indie film na ‘OJT’ (On The Job, tanungin ko si Piolo if sasagutin ako.”

Sa madaling salita posibleng nasa “getting to know each other” na sila para nga naman malaman kung sila ba’y compatible.

At nang lumapit na sa amin si Shaina para bumeso ay tinanong namin kung bakit sila magkasama ng aktor at nasambit nitong, “Galing po kaming badminton.” At sumunod namang lumapit si PJ para bumati rin sa amin.

Okay din naman na maging sila dahil hindi naman halatang 36 years old na ang aktor at 24 naman ang aktres (sa Nobyembre ngayong taon).

Kung sakaling nagliligawan nga ang dalawa, sana ay hindi maulit kay Shaina ang nangyari noon kay KC Concepcion sa piling ni Piolo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: