Skip to content

Natagpuan ko na ang babaeng gusto ko! at masaya ako sa kanya! – GERALD

March 5, 2013

gerald andersonMga pakilig sa pelikula nila ni Sarah at ni Kim gagawin kay Maja

NASA cloud nine pa rin hanggang ngayon si Gerald Anderson matapos manalong Best Actor sa katatapos lang na Golden Screeen Awards ng Entertainment Press Society para sa teleseryeng Budoy ng ABS-CBN.

Siyempre naman, sino ba naman ang hindi, gayung tinalo talaga niya ang malalaking pangalan sa larangan ng pag-arte tulad nina Piolo Pascual, Coco Martin, Jericho Rosales,  Richard Gomez at marami pang iba.

Sa nakaraang awards night din ng Golden Screen Awards nagsalita na sa wakas si Gerald tungkol sa mga kinasasangkutan niyang kontrobersiya, kabilang na nga ang rumored relationship nila ni Maja Salvador.

Iniiwasan ba talaga niya na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Maja.

“Wala akong dapat iwasan.

Pero kumbaga marami tayong ups and downs sa buhay natin. Pag down ka, stay calm. Pag up ka, like tonight, stay humble, di ba?” ani Gerald.

Napansin naman ng marami na hindi man lang niya pinasalamatan si Maja sa kanyang acceptance speech, aniya, “Kumbaga wag tayong magmamadali.

There’s always a right time for everything.

Sa ngayon, kumbaga, I just want to talk about and celebrate ‘yung ibinigay n’yo sa akin (na award).”

Naging issue rin ang pagkikita at pagyayakapan ng mga dati niyang girlfriend na sina Kim Chiu (dating best friend ni Maja) at Sarah Geronimo, ano’ng masasabi niya rito, “Wala na po ako du’n…pero let’s just be happy for it, for each other, para sa lahat.

Kumbaga ang dami ngang gulo sa buong mundo tayo-tayo pa ba?”

Apektado rin daw si Gerald kahit paano sa mga negatibong issue na ikinakabit sa kanyang pangalan, pero sey ng Kapamilya actor, “Kailangan ko ring tanggapin, eh.

Ito ‘yung trabaho ko, eh. Part ng trabaho ko ‘yan.

Like I said ang dami kong kailangang i-prove bilang isang artista, pero bilang isang tao, wala akong kailangang i-prove kahit kanino.”

Pero dagdag niya, wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari sa kanyang buhay nitong mga nakaraang buwan, “Dapat ganu’n, e, right or wrong, mali o tama, panindigan mo ‘yung desisyon mo.

Kung mali, learn from it. Kung tama, be happy.”

Sumusumpa naman si Gerald na hindi pa sila ni Maja, at hindi raw niya itatago kung maging sila man, “Kumbaga artista ako, eh.

Ang trabaho ko I’m acting, di ba?

Hindi po ‘yung itatago ko kung may girlfriend ako, kung may mahal ako.

Kapag meron ‘di ko itatago. And yes, I’m dating again. Wala namang masama du’n.”

E, paano niya ipaliliwanag ang bonggang date nila last Valentine’s day, kung saan nag-rent pa siya ng helicopter para dalhin si Maja sa Tagaytay? ‘Yun  ba ang wala pang relasyon?

“Di naman. Kumbaga dumaan muna kami sa…paano ba? There’s always a right time.

May tamang lugar, may tamang time para sa lahat. Wala po akong itatago sa inyo.

She’s very special to me, pero sa akin na ‘yon.”

Hirit pa nito, “Tao rin ako. ‘Yung mga napapanood ko sa movies ‘yung ginagawa kong rom-com, ‘yung mga ano… siyempre gusto ko ring gawin ‘yon sa totoong buhay.

Bakit naman di ko pwedeng gawin ‘yan?”

Pahabol pa nito, “And now, I found someone na gusto kong makasama, gusto kong makilala pa, masaya ako pag kasama siya.

Bakit ko ipagkakait ‘yung ganu’n sa sarili ko?

Like I said, artista ako, ang trabaho ko is um-acting pero hindi ‘yung itatago ko ‘yung relasyon ko.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: