Skip to content

Zanjo walang balak pakasalan si Bea; takot mag-asawa

February 25, 2013

MISMONG si Zanjoe Marudo na ang nagsabi na hindi pa nila sineseryoso ni Bea Alonzo ang usaping kasalan, naniniwala ang Kapamilya leading man na hindi basta-basta pinagpaplanuhan ang pagpapakasal.

Ayon kay Zanjoe, bata pa raw si Bea at marami pa itong pwedeng gawin sa buhay, pero aniya, umaasa siya na sana nga ay si Bea na ang huling babae sa buhay niya, gusto niyang ang aktres na ang makasama niya habangbuhay. Hmmm, hindi kaya takot lang si Zanjoe sa pag-aasawa? Ha-hahaha!

Pero may plano na ba siya kung paano siya magpo-propose kay Bea kung sakali? “Kasi sa marami nang gumagawa ng mga magagandang proposal, ‘di ba, parang mahirap sumabay. So, kailangan may maisip ka talagang kakaiba.  Pero sabi ko nga, hindi naman talaga ‘yan pinaplano, kusang darating, at sana kapag dumating ‘yung time na ‘yun, maganda yung isasagot niya! Ha-hahaha!”

In fairness, tahimik ang relasyon ng dalawa, ha! Walang masyadong intriga sa kanilang pagsasama. Ayon sa isang nakausap namin na malapit sa dalawang Kapamilya stars, magaling daw talagang mag-alaga si Zanjoe ng girlfriend.

Sa press launch ng bagong gag show ng ABS-CBN na Banana Nite na magsisimula na ngayong gabi after Bandila, sinabi ni Zanjoe na habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pundasyon ng pagsasama nila ni Bea.

Kasabay nito, nilinaw ng aktor na nagkakaroon ng issue sa pagitan nila ni Bea kapag napag-uusapan ang tungkol sa estado ng kanilang career. Alam naman daw niya na mas malaking artista sa kanya si Bea.

“Kasi naman magiging problema pa ‘yun kung kami mismo nag-compete kami, eh, kung sino ang mas magaling, sino ang mas sikat, sino ang mas maraming project. Dapat maging masaya kami sa isa’t isa, suportahan dapat,” sey pa ng binata.

Dagdag pa niya, “Minsan nag-uusap kami, humihingi ako ng payo sa kanya pag may project na nag-aalangan ako. Pag may project siya na nag-aalangan na tatanggapin niya , ako naman ang nag-a-advice. Nagsasabihan kami ng ano…so kaming dalawa mismo ang nagtutulungan.”

Simple lang daw ang naging Valentine date nila, binigyan niya ng flowers si Bea at nag-dinner lang. Pero nag-hire raw siya ng pianist para tugtugan sila habang kumakain.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: