Skip to content

Panliligaw ni Sam Milby kay Shaina walang development, basted?

February 25, 2013

Ni Jobert Sucaldito
AFTER almost two years of being inactive in movies and television, 2013 indeed stands to be exciting and hectic year for Sam Milby. With multiple projects on his hands, he is as busy now as he was when he first came out of the PBB house.

Napapanood si Sam araw-araw sa top-rating romantic comedy primetime soap Kahit Konting Pagtingin with Angeline Quinto sa ABS-CBN where he is tagged as “Comedy Romantic Heartthrob”. Bukod dito, tuluy-tuloy na rin ang taping nila para sa susunod niyang seryeng Against All Odds, another primetime soap with Judy Ann Santos which is truly a dream come true for Sam.

Ibang-ibang Sam Milby naman daw ang mapapanood sa Against All Odds, the reason why he is very challenged and excited at the same time.

Sam also finished shooting for “Death March”, his fourth independently-produced film na mapapanood na very soon. The film also brought out another challenging yet refreshing character for Sam, kung saan makakasama niya sina Zanjoe Marudo at Jason Abalos. In a few months time, Sam will start shooting for a new movie project with Anne Curtis under Star Cinema.

Last year, “Hindi Kita Iiwan”, his first single mula sa kanyang latest “album na “Be Mine” under Star Records, won Best Ballad in the 26th Awit Awards which was one of Sam’s greatest dreams. His music will soon be heard overseas as he prepares to release another solo album under same label to be marketed in other Asian countries.

Sam’s solid fan following consists of various groups that stretch from the Philippines to countries around the globe making him one of the most-followed male celebrities on Twitter (2.2 million followers as of Januray, 2013). The Philippines’ and and only Rockoustic Heartthrob remains to be one of the most versatile and most-admired male personalities in the entertainment circle.
***
Inamin naman ni Sam na talaga namang nanliligaw siya kay Shaina Magdayao pero as of the moment, wala pang development.

Mukhang natotorpe yata ang anak-anakan natin dahil alam n’yo naman si Sam, sigurista nga iyan pagdating sa lovelife.

Sisimple-simple lang iyan sa simula pero kapag naramdaman na niyang may pag-asa na siya sa kanyang nililigawan, doon na siya pumupuspos. Kumbaga, hinay-hinay lang sa simula pero tomutodo pag malapit na sa finish line.

Iyan ang strategy yata ng anak natin kaya hindi siya masyadong pumapaltos sa mga laban niya. Pag naramdaman niyang medyo dehado siya, hindi iyan agad aatake, tatayming kumbaga para sure. Galing, di ba? Ha-hahaha!

“I’m not in a hurry though. I used to date some girls in the past, chill-chill lang. Nothing really serious. Busy pa kasi sa trabaho. Darating naman ang love-love sa tamang panahon, di ba? The more na nagmamadali ka, the more na lumalayo sila.

“Kaya hayaan na lang nating dahan-dahan, yung hindi mo talaga hinahanap. Kasi pag masyado kang serious, masasaktan ka lang pag hindi ka nag-succeed eh. I’ve experienced that in the past kaya ayoko nang mangyari ulit sa akin yung ganoon,” dagdag pa ni Sam.

In fairness, hindi nag-i-age ang mukha ni Sam. He looks great now, relaxed ang aura niya. Fresh ang mukha – lalong gumuwapo in short kaya napakasuwerte ng babaeng makatuluyan niya one day. Not because he is very handsome but because he truly is a nice young man – napakabait at marunong sa buhay. Huwag mo lang alisin ang mga konting bisyo niya – ang hayop na motocross na iyan. Ha-hahaha!

“Don’t worry. I will be very careful when I ride. That’s what I can promise you,” lambing niya sa inyong lingkod dahil alam niyang ever since na tutol talaga ako sa pagmu-motor niya.

Kaya lang, since hindi naman natin mapigilan sa kanyang hilig, ipagdasal na lang natin siya na palaging safe every minute of his life. My gosh, mahal na mahal ko ang batang iyan. At tahasan kong sasabihin sa inyo na walang malisya ang pagmamahal ko sa kanya unlike yung pagmamahal ko kina Papa Aljur Abrenica and Carlo Aquino. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: