Skip to content

Kahit PANGULO na, P-NOY pumayag maging ‘YAYO’ ng mga anak ni KRIS

February 23, 2013

pnoy and krisTinutupad lang daw ang pangako kay tita Cory

NAPAKALAKI ng pasasalamat ni Kris Aquino sa kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Kahit kasi napakarami nitong trabaho sa Malacañang ay hindi hindi nito nakakalimutan ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Kuwento ni Tetay, kapag daw may projects siyang kailangan gawin outside Metro Manila o sa ibang bansa at hindi niya pwedeng isama, tatawagan niya agad si P-Noy kung pwedeng doon muna sa kanya ang dalawa niyang anak.

Sobrang understanding ni P-Noy, kapag ganu’n, itatanong niya agad kung meron siyang appointments, kung maluwag siya, hindi siya magdadalawang-isip, magye-yes siya.

So, payag talaga siyang mag-alaga muna nina Josh and Bimb kapag wala ako,” kuwento ni Kris.Dagdag pa ni Tetay, “Kasi, talagang nag-promise siya sa mom (dating pangulong Cory Aquino) na hindi niya pababayaan ‘yung mga bagets, so ‘yun, hindi niya nakakalimutan ang pangako niya.”

Anyway, patuloy na tinututukan ng sambayanan ang Primetime Bida teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw nina Kris, Anne Curtis at Robin Padilla.

Ang bilis-bilis talaga ng pacing ng kuwento nito kaya parang malapit nang magtapos.

Pero kuwento nga ni Kris, marami pang mangyayari sa KKI, abangan daw ng manonood ang kanyang death scene dahil buwis-buhay daw ang mga eksenang ginawa niya.

O, hindi ba’t muntik pa nga siyang malunod sa nasabing eksena.

Wala kasi siyang double nang kunan ang pagkalunod niya sa isang dagat na ang lalaki raw ng alon.

Bilib nga raw siya kay Anne dahil kayang-kaya nito ang mga ganu’ng klase ng eksena, “Sabi ko nga, talagang magbabawas pa ako ng weight at magpapaka-athletic like Anne, kasi sa mga ganu’ng scene, kailangang malakas ang stamina mo!

Nilinaw ni Tetay ang balita na matsutsugi na agad ang KKI, aniya, talagang one season lang daw ito.

Napapanood pa rin ang Kailangan Ko’y Ikaw Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Ina Kapatid Anak sa ABS.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: