Skip to content

‘Yun po ang pinakamasakit, nagpapakamatay ako sa trabaho, hilung-hilo na ‘ko! – PAULEEN

February 22, 2013

vic pauleenRumesbak sa nagsasabing sugar daddy lang niya si Bossing Vic

Sa wakas, hindi na tinakasan ni Pauleen Luna ang entertainment press.

Hinarap ng TV host-actress ang mga reporters pagkatapos ng presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Unforgettable kung saan makakasama niya sina Mark Herras, Kylie Padilla at Benjamin Alves.

Buong-tapang na sinagot ni Poleng ang mga tanong tungkol sa mga isyu sa kanila ni Bossing Vic Sotto.

Unang-una, inamin niyang wala raw regalo si Bossing sa kanya noong Valentine’s day.

“Wala talaga, promise, cross my heart, hope to die! Ha-hahaha! Nag-dinner lang kami. Hindi kasi ako materialistic, e. Kahit bulaklak, none.

No need naman kasi to send flowers, kasi hindi ko siya naa-appreciate for some reasons, parang for me it’s a waste of money, but of course I respect those people na mahilig sa flowers, pero ako ewan ko, hindi ko talaga siya masyadong feel,” pahayag ni Pauleen na ang sexy-sexy na ngayon!

“Basta happy ako, maligayang-maligaya.

Kasi I see him (Vic) naman everyday.

I never experienced this before, seeing the person (you love) na halos araw-araw.

Teka, bakit parang ayaw n’yong maniwala? Ha-hahaha.

Sobrang happy ako talaga!” say pa ni Poleng.

May agreement ba sila ni Bossing na hangga’t maaari ay huwag silang magsasalita about their relationship?

“No naman, pero kasi, I’ve come to my senses na I should value my privacy moer, you know, hindi naman sa hindi nagse-share, but ‘yun nga, parang mas gusto ko lang maging private sana, para naman kahit paano may natitira naman sa ‘yo na hindi alam ng public.”

Katwiran pa ni Pauleen, “People are gonna say why they wanna say, even if like, you live a really clean life, may mga masasabi pa rin sila laban sa ‘yo, ako naman ang policy ko diyan, as long as wala akong ginagawang masama, wala akong inaapakang tao, just go!”

Sa mga patuloy namang naninira sa kanya sa mga social networking sites, dedma na lang ang aktres, “I just delete them, kasi ganu’n naman talaga, e, minsan nga gumagawa pa talaga ng account para lang siraan ako, tapos pino-provoke pa ako, na ‘I bet you’re gonna delete this message, you loser!’ Okay loser pala, ha, sige delete!

“Wala, e. Tingin ko hindi rin naman sila titigil kahit na makiusap ako or what, gagawin pa rin nila ‘yung gusto nilang gawin.

Basta ako, wala akong ginagawang masama sa kanila,” esplika pa niya.

Ano’ng sinasabi ni Vic  tungkol sa mga bashers niya? “Wala naman, hindi ko rin naman sinasabi sa kanya.”

“About naman du’n sa gold digger, blah, blah, blah, sabi ko nga, hindi naman as if I don’t work, minsan nga three times a day akong napapanood sa TV, e.

Trabaho po ako nang trabaho, hilung-hilo na nga ako sa Eat Bulaga, at sa mga teleserye, tapos ike-credit lang nila sa iba ‘yung pinaghihirapan ko.

‘Yun lang ‘yung masakit,” pagpapatuloy pa ng Kapuso actress.

At sa lahat ng nagsasabi na galing kay Bossing ang perang ipinambili ng bago niyang bahay, “No, hindi po.

Sa parents ko ‘yun, nagbigay lang ako ng kaunting halaga,” say ni Pauleen sabay sabing ni isang gamit daw sa bahay na ‘yun ay walang share ang boyfriend niya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: