Skip to content

SARAH pumayag ‘MAKIPAGBALIKAN’ kay RAYVER kahit ayaw ni MOMMY DIVINE

February 20, 2013

sarah geronimoNAKAKASA na ang drama anthology ni Sarah Geronimo kapalit ng natsugi niyang Sarah G Live.

For a change ay magdadrama naman si Sarah dahil naumay na siguro ang mga tao sa kanyang Sunday musical show.

Thirteen episodes ang ipalalabas sa drama anthology ni Sarah at siyempre every week ay iba’t iba ang kuwento.

Entonces, iba-iba rin ang kanyang leading man sa bawat week.

Nabasa namin sa isang website ang list of 13 leading men ni Sarah.

Hindi namin alam kung official na ito o magbabago pa.

Kasama sa list sina Sam Milby, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Paulo Avelino, Rayver Cruz, Coco Martin, JM de Guzman, Luis Manzano, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, Patrick Garcia and Xian Lim and of course, si John Lloyd Cruz.

Interestingly, kasama sa list ang isang ex ni Sarah, si Rayver. True kaya ito? Naku, may approval kaya ni Divine ang pagsasama nina Sarah at Rayver?

At kung totoo ngang um-agree na ang Pop Princess na “magkabalikan” uli sila ni Rayver kahit sa TV lang, posibleng magkadebelopan uli sila in real life, di ba?

Marami nga ang nagsasabi na mas bagay silang magdyowa, e.

Napansin din namin, parang si Gerald Anderson lang ang hindi nakasama sa leading men list ni Sarah.

Well, that’s understandable dahil hindi rin naman magiging maganda tiyak ang kalalabasan kung magkakasama sila kaagad dahil mainit pa ang issue sa kanila.

Isa pa, baka sa taping ay hindi mapigil ni Sarah ang magparinig nang magparinig.

Slowly, Sarah kasi is earning the moniker Parinig Queen dahil sa kanyang walang habas na pagpapatutsada dati sa kanyang natsuging TV show.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: