Skip to content

Maraming naiinggit, GERALD uubusin ang yaman kay MAJA

February 20, 2013

gerald andersonGrabe kung magbigay ng regalo sa babae

Marami ang nagsasabing masuwerte raw si Maja Salvador kay Gerald Anderson dahil tiyak daw na makukuha niya ang mga gifts na gusto niyang matanggap sa isang lalaki.

Mahilig daw kasi talaga sa regalo si Maja.

At nagkataon namang mahilig ding magbigay si Gerald – very generous daw ito sa girlfriend kasi.

Lalo na kapag talagang mahal na mahal niya ang girl, todo-bigay kumbaga.

Nakarating sa amin ang kuwentong ipinasundo pa raw talaga ni Gerald si Maja sa helicopter para dalhin sa Tagaytay noong Valentine’s day.

At doon daw sila nag-dinner.

Bukod pa diyan, may expensive gift pa raw ang aktor kay Maja.

Bongga, di ba?”Bilmoko yang si Maja kaya!? Magtanong kayo sa mga past boyfriends niya,” pagtataray ng isang kakilala namin.

Uy, huwag n’yo namang siraan si Maja.

Baka naiinggit lang kayo sa kanya dahil nasa piling niya ngayon ang man of your dreams.

Hindi naman porke mahilig sa material na bagay, e, bilmoko na.

Nagkataon lang siguro na mapagbigay talaga si Gerald sa kanyang mimamahal.

Tsaka paano n’yo nalaman na mahilig magpabili ng regalo si Maja sa boyfriend niya?

Naging dyowa na ba niya kayo? Talagang ang mga ito, oo.

May masabi lang na kanegahan. Ha-hahaha! Affected daw talaga ako?

Anyway, kung bigyan man ni Gerald si Maja ng mga mamahaling gift, ‘yan dahil na rin siguro sa in love siya at likas na sa kanya ang mamigay.

Kaya huwag n’yo na lang kainggitan si Maja, okay?

Mukhang tahimik lang ang dalawa sa kanilang relasyon.

Wala tayong masyadong naririnig mula sa kanila.

Siguro, decision na rin nila ‘yan para iwas intriga.

Less talk, less mistake, ika nga.

One Comment leave one →
  1. Ritchelyn permalink
    February 23, 2013 10:46 am

    Majarot ka talaga..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: