Skip to content

Bagong babae ni DIET magaling mangabayo

February 20, 2013

diether ocampoInamin ni Diether Ocampo na meron siyang bagong idine-date na babae – isa raw itong athlete.

Member daw ng Philippine team ng Equestrian ang girl na tinawag niyang “significant friend”.

Say ni Diet sa thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Apoy Sa Dagat sa ABS-CBN, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang daw sila, hindi pa raw niya ito girlfriend.

Hindi naman nagdetalye ang isa sa mga leading man ni Angelica Panganiban sa Apoy Sa Dagat tungkol sa nasabing atleta.

“Nasa cover siya ngayon ng isang sports magazine, member po siya ng team Philippines sa Equestrian.

Actually, ako po ang photographer niya for that cover.

Matagal ko na rin kasing hindi napa-practice ang hilig ko sa photography,” kuwento ni Diet.Anyway, sa teaser ng Apoy Sa Dagat na napapanood after Ina Kapatid Anak, ipinakita ang isang eksena nina Diet at Angelica sa isang kuwarto kung saan “dinakma” nito ang bird ni Diether.

Kaya tinanong siya kung ano ba ang naramdaman niya nu’ng gawin nila ‘yun?

“Wala naman. Ano ba kayo? Nagbago na ko.

Tingnan n’yo nga ako, o, ang pale-pale ko.

Iba na ang image ko. Ha-hahaha!

Hindi, ano, wala naman, tsaka makapal naman ‘yung pantalon na suot niya,” paliwanag ni Angelica.

Anyway, marami pa kayong dapat abangan sa pagpapatuloy ng Apoy Sa Dagat, kabilang na diyan ang madadrama at maiinit na eksena nina Angelica at Piolo Pascual.

In fairness, marami kaming kakilala na talagang tumututok sa Apoy Sa Dagat, bukod daw kasi sa magagaling ang lahat ng artista, e, bago rin ang kuwento.

Ang galing-galing daw ni Angelica bilang sina Serena at Rebecca.

Say nga ni Angel, ito na raw ang pinaka-challenging na role na ginampanan niya, dahil bukod sa bida-kontrabida, e, ang dami-dami rin daw kissing scene at love scene, “Bago po kasi sa akin ‘yung ganitong role, parang hindi pa po ako sanay na nakikipaghalikan.

Ha-hahaha! Sarah G lang…baka po kasi magalit si mommy!” na talagang ikinahagalpak ng press.

Congrats na lang sa buong production!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: