Skip to content

Production Staff nagpiyesta nang matsugi ang SARAH G LIVE, matagal na raw nagtitiis

February 18, 2013

sarah geronimoMahirap daw kasing pakisamahan ang Pop Princess

PANAY ang parunggit ng mga taga-entertainment media kay Sarah Geronimo especially when she lost her Sunday show sa ABS-CBN.

Kahit pala staff mismo ng kanyang defunct show na Sarah G Live ay nagre-rejoice sa pagkawala ng programa dahil mahirap nga raw pakisamahan ang actress-singer.

Mahirap din yung wala kang relasyon with the press kung isa kang artist.

Hindi porke sikat ka ay iisipin mong mas kailangan ka ng press more than you need them.

Alam n’yo naman sa showbiz, you are as good as your last picture.

Masyado kasing detached itong si Sarah sa press.

Puro kabig lang silang mag-anak and her mom especially, may pagkamaldita raw kasi ito.

Kaya walang amor sa kanila ang mga reporters. Ni hindi nga sila nakakaalala ng mga birthdays and Christmases para mag-share ng kanilang blessings with the members of the media.

Hindi dahil sa kinakailangan nilang mag-dole out ng pera or gifts sa press para mapalapit sila sa mga ito, they’ve never reached out with anyone of us.

Nandiyan naman daw kasi ang Viva na nag-aalaga sa kanya kaya kampante sila.

Balewala sa kanila ang mga reporters.

Ngayong hindi na siya ganoon kainit sa showbiz, saan kaya siya pupulutin one day? Sige nga!

Nahuli rin daw si Sarah sa kanyang mga bibig nang sabihin niyang ang mga nanakit daw sa kanya ay pinagkakitaan din niya sa kanyang mga shows.

Nakakaloka ang mga one-liners ng batang ito.

Akala niya siguro cute ang naging dating sa mga tao nang sabihin niya ito on national television.

Lumabas lang talaga na siya’y isang user – to its highest form pero idinaan lang niya sa pa-demure-demuran.

Ha-hahaha!

It’s not all about talent in this business, hija.

Ang malaking pangalan ng isang artista ay puwedeng mauwi sa kawalan pag hindi siya marunong makisama.

Mark my work, Sarah!

3 Comments leave one →
  1. February 19, 2013 9:44 am

    Mga showbiz reporters kasi magsusulat lang ng maganda sa isang artista kapag nabigyan ng regalo o pabor. how unethical. tsk tsk.😦

  2. February 19, 2013 12:28 pm

    kung sakali kaya na binigyan ka ng pera ni sarah ay ititikom mo ang bibig mo sa paninira sa kanya?

  3. Berto permalink
    February 20, 2013 8:06 pm

    Hindi ka lang napapakain ni Sarah G. kaya kahit anu ano ang sinasabi mo na di marunong makipag kapwa tao.. Hay daming ganyang press dahil sa hindi nakakatanggap sa artista eh sasabihin na masama… Move on na..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: