Skip to content

NIKKI GIL virgin pa, BILLY handang maghintay

February 16, 2013

billyGrabe ang trending ng loveteam nina Patrick Garcia at Nikki Gil sa Apoy Sa Dagat kaya isa kami sa kinukulit kung ano ang next project nilang dalawa together dahil nga maikli lang ang role nila sa nasabing sex-drama serye.

Oo nga, kami rin ay nagulat sa magandang chemistry nila on-camera kaya ano nga ba ang next serye nila?

Anyway, pinupuri namin ang acting ni Nikki dahil challenging ang role niya bilang isang bayarang babae dahil in real-life ay intact pa ang virginity niya may maniwala man o hindi.

At mas bumilib pa kami sa love scene nila ni Patrick dahil paano mo ipo-portray ang ganu’ng role kung wala ka pang karanasan?

Kaya talagang napahanga kami ni Nikki nang husto  at higit sa lahat, wala siyang hesitations sa kanyang  papel maski mukha siyang losyang.

Nalaman din namin sa ibang nakatrababo nang aktres na talagang wala raw siyang reklamo sa set at parating on time at kapag break-time ay nasa isang tabi lang at nagbabasa ng libro o kaya’y nakikinig sa IPod niya.Kaya naman puring-puri siya ng lahat at hindi na kami magtataka kung bakit sobrang ganu’n ang respeto sa kanya ng boyfriend niyang si Billy Crawford.

Anyway, wala na ang karakter nina Patrick at Nikki sa susunod na linggo pero mas kaabang-abang ang mga eksena nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual dahil talagang may mga ginawa raw sila as serye na ikagugulat ng manonood.

2 Comments leave one →
  1. WagNaMagpatumpiktumpik pa Karakaraka :P permalink
    February 17, 2013 1:49 am

    Mas may chemistry kapag…… Nikki Gil and Billy Crawford…… Sadya lang magaling umakting si Nikki.😛 Aminin niyo.😛

  2. agnes permalink
    February 17, 2013 9:18 pm

    I’m so believing miss Nikki Gil.. that’s why Billy Crawford love her soooooooOOoo much.♥♥♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: