Skip to content

KIM sadista, tuloy ang pagpapahirap kay XIAN

February 16, 2013

xian limWALA naman daw nakikita o nararamdamang tensiyon si Xian Lim sa pagitan nina Maja Salvador at Kim Chiu kapag nasa set sila ng primetime teleserye na Ina Kapatid Anak.

Kalat na kalat na kasi ang mga chika na kahit na magkatrabaho sina Maja at Kim sa nasabing teleserye ng ABS-CBN ay dedmahan lang ang drama nila, hindi pa rin daw nag-uusap ang dating mag-best friend.

Nagpapaka-professional lang daw ang dalawang aktres sa set ng Ina Kapatid Anak kaya in fairness kahit may issue sa pagitan nila ay hindi naaapektuhan ang kanilang taping.

Feeling nga namin, tuwang-tuwa pa ang production dahil natural na natural lumalabas ang mga confrontation scene nila.

Pero ayon nga sa leading man ni Kim sa serye na si Xian Lim, “Para sa akin, wala, wala akong nararamdaman na anything, tension, wala.”

“Wala naman akong naramdaman na ganoon. Lagi kaming nagpo-post ng Instagram pictures showing that we’re happy sa set.

And makikita naman nila sa Instagram ko yun, na everyone’s just happy,” dagdag pa ng aktor.

Natanong naman si Xian kung totoong magdyowa na sila ni Kim tulad ng napapabalita, “Single pa rin.

Wala, e, trabaho, trabaho muna!”

Weeee! Hindi kaya may pagkasadista talaga itong si Kim at pinahihirapan talaga siya nang todo sa kanyang panliligaw?

Ha-hahaha!

Tuloy pa rin ba ang panliligaw niya sa aktres?

“Basta ang masasabi ko lang, I make her feel special.

Nandu’n pa rin ang special friendship namin, and siguro kasi, naka-focus kami ngayon sa Ina Kapatid Anak, we have to do our best talaga sa bawat eksena namin dito dahil nakakahiya naman po kung pa-relax-relax kami, e, ang gagaling talaga ng mga kasama namin.”

Naku, true ‘yan! Talagang gabi-gabi naming pinapalakpakan ang mga eksena nina Janice de Belen, Ariel Rivera, Cherrie Pie Picache, pati na rin nina Eddie Gutierrez at Pilar Pilapil.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: