Skip to content

KRIS: Kung ang PRESIDENTE nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?

February 15, 2013

kris aquinoAyaw umamin kung si Lino Cayetano ang bagong manliligaw

MALAPIT nang mag-expire ang kontrata ni Kris Aquino sa ABS-CBN, pero nalaman namin na may offer na agad ang network para sa renewal nito.

Sa presscon ng Pilipinas Got Talent kamakailan, sinabi nga ni Kris na may offer na sa kanya ang ABS para sa pagpirma niya uli ng kontrata, “It’s my last nine months existing contract of ABS-CBN, I want to make it more meaningful para sa renewal super triple ang ibabayad sa akin! Ha-hahaha!” tawa nang tawang sabi ng Queen of All Media

Kaya feeling naman namin, kahit na anong mangyari, ay hinding-hindi siya pakakawalan ng ABS-CBN at nagbiro pa nga siya na matagal ng may offer ang network na mag-renew siya, “Matagal na silang nag-offer, nagi-ipon sila ng pambayad sa akin.

Ha-hahaha!”

Na-curious tuloy kami bossing Ervin kung ilang milyones ba talaga ang involved sa guaranteed contract ni Kris  sa ABS-CBN.

Samantala, nakiusap naman si Kris sa press na huwag na siyang tanungin kung sino ba talaga ang lalaking nagpapasaya sa kanya.“Ayaw kong mag-name ng names.

Honestly, when I name anybody, I get a barrage of kanegahan about that person.

Siyempre, I’m the only one who gets to read it.

So, parang feeling ko, ang daming kontra sa kaligayahan ko—whoever it is, ha.

Kung anu-ano ang sinasabi, nakita kasama ni ganito, ganyan,” pahayag ng TV host-actress.

Tinanong kung si direk Lino Cayetano ba ang tinutukoy niya na tumatakbo ngang kongresista para sa May elections, “Alam mo, si Direk Lino, nabiktima din ng madaming tweets kaya huwag na please. Kawawa naman siya.

Tumatakbo siya. He doesn’t deserve that,” sagot ni Kris.

“Naaawa lang talaga ako sa kanila kasi it’s so unfair.

Parang hinuhubaran ang buong pagkatao nila…true talaga, and it’s not fair for somebody who didn’t ask for this life.

As much as possible talaga, hindi ko siya pag-uusapan kasi kawawa naman siya.

“Kung ang presidente nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?” pahabol ni Kris.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: