Skip to content

JAMES YAP kawawa naman, masyado nang inaabuso ni KRIS

February 15, 2013

james yapNatural, kapag ang mga kasamahang basketbolista ni James Yap ang tatanungin ay lumalabas na si Kris Aquino ang may mas malaking pagkakamali kaya humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon, kahit noon pa napapabalitang babaero ang dribolero.

Ayon sa kampo ni James ay napakalaking pasasalamat ng basketball player dahil sa wakas ay nakawala na siya sa gintong hawla na Kris Aquino na napakaselosa, makitid ang isip at masyadong bratty.

Ipinaalala pa ng mga ito ang minsang pagsugod ni Kris sa bahay ng isang dalagang nagdala ng cake sa kanyang mister, pinagsalitaan ito nang masasakit ni Kris, napakabilis na kumalat ng kuwento na pagkatapos ay nilinaw naman ng aktres-TV host.

Sabi ng isa naming kausap, “Nakakaawa si James sa kanya, ipinahihiya niya ‘yung tao kahit sa karamihan, wala siyang respect sa mister niya.

Nagiging tuksuhan tuloy ‘yun kapag nagkakasama-sama ang mga players.

Nakakaawa si James nu’n kay Kris!”Naghatian sila ng propyedad, pinawalang-bisa ang kanilang kasal, ayon kay Kris ay luging-lugi ito sa kaganapan dahil nambabae na nga si James ay kumita pa.

Komento ng isang nakikisimpatya kay James, “Bakit, may namilit ba sa kanya para magpakasal sila?

May kumaladkad ba sa kanya para mahalin si James?

Sarili niyang decision ‘yun, ginawa niya nang kusa, kaya walang dapat sisihin ngayon kundi siya lang mismo!

“Kaya tama na, tantanan na niya ‘yung tao.

Nawiwili na siya, porke ba hindi kumikibo si James dahil gentleman ‘yung tao, e, masyado niya namang aabusihin ang pananahimik ng ama ng anak niya?” katwiran pa ng aming impormante.

‘Yun lang.

One Comment leave one →
  1. Luis permalink
    February 16, 2013 11:23 am

    Your are so plastic bokobok, sa mismo ay panay ang bira mo kay James tapos iba naman ang hangin, oh my god u are so double faced panget na nga ang pagmumukha mo dalawa pa ang mukha mo, kakasuka ka talaga panget

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: