Skip to content

MAJA walang paki sa galit ni KIM, maligaya sa kandungan ni GERALD

February 14, 2013

geraldMatatagalan bago maibalik ang pagkakaibigan

“I hate you! You ruined my life. Lahat-lahat na lang inagaw mo sa akin.”

Ito ang maaanghang na salitang binitawan ni Maja Salvador bago siya nagpakawala ng isang malutong na sampal kay Kim Chiu sa teaser na umeere ngayon sa ABS-CBN para sa pinakaaabangang Gabi ng Pagpapakilala episode ng top-rating Kapamilya primetime family drama series na Ina Kapatid Anak.

Ngayong Biyernes, hindi lang ang grandeng debut nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) ang dapat tutukan sa Ina Kapatid Anak kundi maging ang pormal na pagpapakilala sa publiko kay Celyn bilang bahagi ng pamilya Marasigan.

Ano ang mga rebelasyong pasasabugin sa Gabi ng Pagpapakilala?

Bakit humantong na naman sa matinding sagutan at sampalan sina Celyn at Margaux?

Huwag palampasin bukas ng gabi ang mga kasagutan sa Ina Kapatid Anak, pagkatapos ng Juan dela Cruz sa ABS-CBN Primetime Bida.Speaking of Kim and Maja, base sa mga naririnig naming chika, mukhang matatagalan pa bago magkaayos ang dating mag-best friend.

Sa nakikita raw ng mga taong nakapaligid sa dalawang aktres ay hindi pa rin sila nagkakapatawaran.

Say ng ating source, mismong si Kim daw ang umiiwas kay Maja, at feeling niya, wala ring balak mag-sorry o makipag-usap nang masinsinan ang rumored girlfriend ni Gerald Anderson sa kanyang dating kaibigan.

May nagsabi pa nga sa amin na parang wala namang pakialam si Maja sa galit ni Kim.

Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang kaligayahan ngayon sa kandungan ni Gerald.

‘Yun oh! Ha-hahaha! Juan dela Cruz, ikaw ba ‘yan!? ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: