Skip to content

LOVI, ROCCO shocked sa parusa ng MTRCB sa PARTY PILIPINAS

February 14, 2013

lovi poeAPEKTADO sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa ginawang pagkastigo sa Party Pilipinas ng MTRCB dahil sa ginawang nilang super sexy production number two Sundays ago.

Siyempre, dahil sa kanila ay on probation sa loob ng anim na buwan ang musical show ng Kapuso network.

Pero sabi nga ng isang nakausap namin, hindi naman daw ito sapat na dahilan para suspindihin sina Rocco at Lovi sa Party Pilipinas, tuloy pa rin daw ang rumored couple sa PP pero siguradong magiging maingat na ang produksiyon sa pagbibigay ng assignment sa kanila.

Ayaw nang mag-comment ng mga bida sa afternoon series na Yesterday’s Bride tungkol sa MTRCB decision, pero siyempre, nalulungkot ang dalawa sa mga nangyari.

Hindi naman daw nila akalain na magiging kontrobersiyal ang ginawa nilang number. Performers lang daw sila at sinusunod lang nila ang utos ng production.

Pero para sa amin naman, okay lang na gumawa uli sila ng sexy number, pero make sure na hindi ito masama sa panlasa ng manonood, grabe naman kasi ang ginawa nila, parang bold movie na nga ‘yun, “magpatungan” ba sa kama, at maghalikan ng bonggang-bongga habang naka-harness?At kung gusto lang nilang asarin ang MTRCB, maglaan sila ng isang episode kung saan lahat ng performers ay magsasayaw o kakanta nang balot na balot, ‘yung halos mukha na lang nila ang nakikita! Ha-hahaha! ‘Yung wala talagang masisilip kahit kapirasong laman! Ha-hahaha!

Anyway, kung nakastigo sina Lovi at Rocco sa Party Pilipinas, patuloy namang umaariba sa ratings game ang kanilang seryeng Yesterday’s Bride after Eat Bulaga sa GMA.

Ngayong hapon, napagdesisyunan ni Celso na umalis na lang ng bansa.

Pero bago ito tuluyang lumisan ay kakausapin muna niya si Justin upang ipaubaya at alagaan si Andrea.

Mag-uusap din sina Andrea at Justin pero mas gugustuhin nila na maging magkaibigan na lang dahil magulo pa ang buhay nila.

Hindi rin naman pwedeng balikan ni Justin si Andrea dahil nakatali pa siya kay Sabrina.

Mas pipiliin nilang maging magkaibigan na lang para sa kanilang anak.

Aaaikasuhin ni Justin ang annulment case niya kay Sabrina.

Dahil sa sobrang sakit ang nararamdaman ni Sabrina tuluyan na itong masisiraan ng bait.

Matutuwa si Andrea dahil ibibigay na rin sa kanya ni Justin ang pangangalaga kay Addie.

Masaya na sana ang lahat pero MAY kulang pa rin sa buhay ni Andrea.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: