Skip to content

KRIS kay JAMES: Sa tingin ko hindi na talaga kami magiging okay!

February 14, 2013

kris aquinoAyaw nang pag-usapan ang dating asawa, magkagalit pa rin

SA Siargao Island sa Surigao del Norte magbe-birthday si Kris Aquino (she’s turning 42 ngayon) kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby, kaibigang si Zsa Zsa Padilla, ang ate niyang si Pinky at asawa nito na magse-celebrate rin ng kanilang wedding anniversary.

Masyado raw kasing na-mesmerize si Kris sa bagong tayong resort doon, “Kasi I read about this island in Siargao (bagong bukas).

Mayroon kasi this German-French furniture (owner) in Cebu, sila ‘yung furniture outdoor all over the world, tapos they employed close to 2,000 Cebuanos.

“And they decided to invest in Siargao in an island paradise para ma-display nila ‘yung gawa nila at gawa ng mga Pinoy, so when I heard about it, naging kaibigan ko ‘yung mga may-ari at in-arrange ko ‘yun (accommodation), so doon kami pupunta with my sons, a few friends, si Zsa Zsa kasi siyempre malungkot din naman siya sa Valentine’s day, magsama na lang kami, and my sister kasi she’s celebrating her wedding anniversary with her husband.“Na-excite ako kasi, mayroon daw activities like eco-trekking, tapos sa mango groves na maglalakad-lakad ka, tapos may paddle-boarding, tapos may cooking classes, doon ako pinaka-excited.

Kasi ‘yung French-German chef nila ang magtuturo sa akin, kaya na-excite ako,” kuwento ng TV host-actress.

Samantala, hindi raw naghahanap ng lovelife sa ngayon si Kris dahil kuntento na siya sa mga anak niya, “Parang hindi naman kasi sobra-sobra naman ang ibinibigay na love ng mga anak ko, and if there’s one, super bonus na from God, pero kung hindi pa siya darating, okay lang din.”

At kung sakaling magkakaroon ay hindi na siya titingin kung ano ang itsura dahil,  “Ang concern ko lang naman ay makasundo ko siya at makasundo siya nina Josh at Bimb later on, makasundo siya ng mga kapatid ko.

Anuman ang opinion n’yo doon, dedma na kasi wala namang kinalaman sa mga produktong ineendorso ko at sa mga programa ko.

Ayaw na ring pag-usapan ni Kris ang dating asawang si James Yap at inamin din nitong hindi sila in speaking terms, “We’re not.

And I don’t think, were gonna be okay and I don’t wanna talk about him kasi ako na naman ang nega.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: