Skip to content

Concert ni JESSICA SANCHEZ nilangaw, di nabiling ticket ipamimigay na lang?

February 14, 2013

jessica sanchezKulelat sa mga hahataw na Valentine show sa Pinas

EXPECTED na nating maraming Valentine show ngayong araw ang medyo hindi gaanong kikita – huwag lang sanang mag-flop ang mga ito dahil it’s not easy to produce a show.

Medyo stiff ang market ngayon dahil napakaraming gastusan talaga.

Malapit na ang pagsasara ng klase kaya priority pa rin ng karamihan ang pambayad ng tuition ng mga anak nila at sa sobrang dami ng malalaking Valentine shows, mahahati talaga ang market.

Pagalingan na lang talaga sa marketing ito.

Isa sa sold out shows ngayong gabi ay ang “Angeline Quinto In Love” na gaganapin sa SMX sa Mall of Asia kung saan makakasama ni Angeline bilang guests sina Vice Ganda, Francine Prieto at baby nating si Michael Pangilinan.

Napakasuwerte naman ng alaga nating youngest concert heartthrob dahil ang nasalihan niyang show ay sold out na at ang isa sa pinakamasaya sa outcome ng sales ay ang kafatid nating si Julie Bonifacio because she is one of the producers. In fact, four days ago pa bayad in full si Michael sa kanyang honorarium.

Soldout din daw ang “Foursome” concert nina Papa Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid and Regine Velasquez. Bongga naman kasi ang line-up kaya hindi na dapat pagtakhan – apat sa pinakamagagaling na performers ba naman natin ang pagsama-samahin sa isang show, di ba?

Ang pinakakawawa raw sa malalaking concerts na magaganap today ay ang show ni Jessica Sanchez sa Smart Araneta Coliseum dahil as of last week ay ibinaba na raw nila ang presyo ng tickets – 50% na nga raw pero kokonti pa rin ang bumili.

Balita namin ay ipamimigay na nila ang tickets para dumami lang ang tao, para hindi naman daw kahiya-hiya kina Jessica and her guests. True kaya?

“Kasi nga, nauna nang napunta sila rito last year with the whole Americal Idol at napanood na sila.

Novelty lang naman sila, di ba? Kung sana’y sila ni Phillip Phillips ang nag-back-to-back, baka dumugin pa sila.

Tsaka, ordinaryo lang na biritera ang dating ni Jessica kaya malabo talaga niyang mapuno ang Araneta,” basa ng isang friend namin.

Sayang naman.

Kaya lang, napaka-ambitious nga naman ng ginawa ng producers, sana ay hindi na lang sila nakisabay sa malalaking shows sa Valentine’s Day. Sana ay mag-iba ang ihip ng hangin, sana’y marami pa rin ang pumunta para mabawi naman ng producers ang pinuhanan nila.

Good luck na lang sa mga nagprodyus ng shows today. Sana lahat ng producers ay umuwing may ngiti sa kanilang mga labi.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: