Skip to content

ROBIN: Hindi ko ibabahag ang buntot ko para sa asawa ko!

February 13, 2013

robin padillaTuloy ang pakikipaghalikan kina Kris at Anne

Matigas ang paninindigan ni Robin Padilla na hinding-hindi pa rin siya magpapadikta kay Mariel Rodriguez pagdating sa trabaho, siya pa rin daw ang magdedesisyon para sa kanyang career bilang artista.

Ayon kay Binoe nang mainterbyu siya sa The Buzz noong Linggo, hindi raw magiging balakid ang kanyang asawa sa kanyang pagiging aktor, kung kakayanin niyang gawin ang isang eksena kahit pa magalit si Mariel ay gagawin niya.

May balita kasi na pinagbawalan na raw siya ng asawa na makipaghalikan sa ibang babae kahit na sa TV o pelikula lang, “Bakit magiging bawal?

Kasama talaga ‘yun. At kahit kailan ay hindi magiging balakid si Mariel sa anumang trabaho ko.”

Hirit pa ng leading man nina Kris Aquino at Anne Curtis sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw, “Ang ginawa ko ay pagsuyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae.

Pero hindi ibig sabihin ay ibabahag ko ang buntot ko para sa asawa ko.Kailangang maintindihan ng asawa ko ang aking punto.”

Matatandaang muntik nang magkahiwalay ang mag-asawa dahil sa sobrang pagseselos ni Mariel sa mga halikan at love scene nina Binoe at Kris sa Kailangan Ko’y Ikaw na humantong pa nga sa pagpunta nang live ni Robin sa Wowowillie ng TV5 kung saan host si Mariel.

Doon niya sinuyo ang asawa para magbati na sila.

Sinabi naman ni Robin na walang dapat ipagselos si Mariel kay Kris, “Alam namin ni Kris ang hangganan namin.

Sa edad naming ito, hindi na namin siguro pa tatawirin ang ilog na mahirap languyin.

Masaya kami bilang magkaibigan,” esplika ni Robin.

Anyway, mas magiging kapana-panabik pa ang mga tagpo sa Kailangan Ko’y Ikaw dahil sa mga sunod-sunod na rebelasyon sa kwento nito.

In fairness ang bilis ng pacing ng istorya, nagkaanak at nagkaroon na ng kanser si Roxanne (Kris) at ang plano niya, paglapitin ang asawa niyang si Bogs (Robin) at kapatid na si Ruth (Anne).

Magtagumpay kaya siya sa kanyang plano?

Huwag palampasin ang teleseryeng pinag-uusapan ng buong bayan, Kailangan Ko’y Ikaw, gabi-gabi, sa bago nitong oras, 9:45 p.m., pagkatapos ng Apoy Sa Dagat sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: