Skip to content

Bagong lalaki sa buhay ni KRIS super rich, kayang-kaya siyang gawing reyna

February 13, 2013

kris aquinoHumingi na ng permiso sa mga anak para makipag-date

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan kung ilang milyones ang ang parte ni James Yap sa pera ni Kris Aquino para iyakan ng huli ang last payment niya sa dating asawa bilang bahagi ng kanilang settlement.

Kaya’t sa presscon ng Pilipinas Got Talent Season 4 ngayong araw namin tatanungin ang Queen of All Media para masagot ang lahat ng katanungan ng mga nakatutok sa kanila ni James.

Samu’t saring reaksyon ang naririnig namin tungkol sa isyung ito at in fairness may kanya-kanya naman silang punto.

Tulad na lang ng texter na ayaw ipabanggit ang numero at pangalan kasi kilala siya sa showbiz, “Imbes na ibigay na lang sa anak nila, okay lang kung wala silang anak, puwede niyang kunin, e, may anak sila, ang kapal!” Say naman ng maka-James, “Okay lang ‘yun, marami namang pera si Kris at saka may anak naman siya, quits lang.”

“E, sunud-sunuran lang naman si James sa utos ng korte at ng abogada niya.

Maiisip pa ba niya ang salitang delikadeza?

Di ba nga, ibinuking dati na pati trust fund ni Bimby, gusto rin niyang kahati siya, ano ba ‘yun?” sabi ng isang padre de pamilya na hiwalay din sa asawa na nagsisikap buhayin ang mga anak.

“Nakapagdesisyon na ang korte at pinayagan ito ni Kris kung ayaw niya, e, di sana umangal siya, bakit siya mag-iiyak ngayon?” katwiran naman ng isang bank executive.

Pero tama ang sinasabi rin ng karamihan na pera lang iyon at kikitain pa ni Kris kaya hayaan na at least may peace of mind na siya after niyang pirmahan ang huling bayad niya kay James at higit sa lahat, may Bimby siyang kasa-kasama ngayon na nakakausap niya at napapatawa siya.

Tulad na lang ng kuwento ni Kris nang magpaalam siya kay Bimby na makikipag-date siya, “I said kasi, ‘Bimb can I go out on a date?’

He said, ‘Okay but no holding hands ha?’

Sabi ko hindi naman ako makiki-holding hands so pumayag na siya pero sabi niya, ‘Just one ha!’ So parang handa na siya.

Mayroon na siyang level of maturity,”

O, di ba, walang hanggang kasiyahan iyon bossing Ervin?

Dagdag pa ni Kris sa panayam sa kanya, “Gusto ko naman to have a companion.

Pero alam ko rin na at this point with a schedule like this, alam ko na a relationship means devotion.

At this point, hindi ko pa kaya ibigay ang devotion na ‘yun kasi Bimb is only 5, I have so much to do.

But if he’ll understand, why not?”

At kukulitin din namin ngayon ang PGT judge kung puwede na niyang i-reveal ang crush niya na katulad niya ay sobrang busy din sa career at higit sa lahat kaya siyang buhayin at puwede pang ilibot silang mag-iina sa buong mundo all expenses paid pag nagkatuluyan sila.

Saka na namin isusulat dito sa BANDERA ang tungkol sa guy na ito, promise!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: