Skip to content

KC biglang binasted ang manliligaw na foreigner, may nabuking na lihim

February 11, 2013

kc concepcion‘Ayoko munang magseryoso, feeling ko hindi pa ako handa!’ 

BASTED kay KC Concepcion ang foreigner na nanliligaw sa kanya.

Hindi naman daw sa may nadiskubre siyang lihim ng guy kaya bigla siyang umayaw, may mga bagay lang daw na mas kailangan niyang i-prioritize kesa sa lovelife.

In fairness, botong-boto naman ang ina niyang si Megastar Sharon Cuneta kay Pierre Emmanuel Plassart, at wala pa naman daw nakikitang mali ang kanyang pamilya sa personalidad o ugali ng lalaki.

Pero ayon kay KC, ayaw daw muna niyang magpakabaliw sa lalaki, ito’y sa kabila nga ng magagandang qualities ni Pierre.

Sabi nga ni KC, halos lahat ng mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki ay na kay Pierre na pero hindi pa raw ito ang tamang panahon para seryosohin ang lovelife.

“I’ve decided na rin na na ayoko munang i-push through, kasi hindi pa ako ganoong ka-ready.Pero ang sweet niya, ang bait niya, sobrang lambing, nasa kanya naman yung mga hinihingi ko, pero it’s just that ayoko muna maging serious talaga,” ayon kay KC sa isang interview ng ABS-CBN online.

Dagdag pa ng TV host-actress, “I’m very open to getting to know people.

Ayoko pa pong maging seryoso talaga, at very honest po ako sa kahit na sinong ma-date ko o makilala ko, that I don’t want to be so serious yet.

Totoo po ‘yon.”

“Kung meant naman po, meant.

Kahit ano naman pong pagpa-plano natin, at the end of it, pag maramdaman mo na…siguro hindi ko pa nararamdaman,” sey ni KC.

Naku, parang hindi ako naniniwala sa mga echos ni KC, mukhang may naaamoy akong something fishy.

Feeling ko, may nangyari kina KC at Pierre at may nagdiskubre ang anak ni Mega kaya biglang iniwan ang guy. ‘Yun na!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: