Skip to content

YNEZ VENERACION tinubuan ng maraming bukol sa katawan, sumailalim sa operasyon

February 10, 2013

ynez veneracionBaka raw epekto ng ilang beses niyang pagpaparetoke

Kagabi sa Ang Latest Updated ay ipinalabas ang problema ngayon ng sexy star na si Ynez Veneracion.

Ngayon lang niya nabigyan ng pagkakataon na tutukan ang matagal na niyang problema, ang mga bukol na tumubo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, nagpapagaling pa siya ngayon mula sa isang operasyon.

Matagal na pala niyang napapansin ang maliliit niyang bukol sa pigi, sa kanyang likuran, pero ipinagwalang-bahala lang niya ‘yun.

Kundi pa lumaki na ang kanyang mga bukol ay hindi pa siya magkakaisip na magpakonsulta na at magpaopera.

Ang hiningan niya ng tulong ay si Mr. Manny V. Pangilinan, isa sa mga may-ari ng Makati Medical Center at chairman-owner din ng TV5, ito ang nagrekomenda sa kanya sa pribadong ospital at du’n siya inoperahan.

“Matagal na ang mga bukol kong ito, pero hindi ko lang pinapansin. Ang akala ko kasi, e, hindi naman lalaki, pero napansin ko nu’ng mga nakararaang buwan na parang lumalaki na at kailangan ko nang magpagamot.

“Natanggal na ang iba, pero meron pa ring mga natitira.

Malalaman ko kung meron ba akong dapat ikatakot sa susunod na pagpunta ko sa mga doctors na ibinigay sa amin ni Mr. MVP.

“Iba-biopsy nila ang mga bukol, du’n ko malalaman kung benign lang ‘yun o cancerous.

Noon ko pa pala dapat inasikaso ang mga nakakapa kong bukol sa katawan ko,” kuwento ni Ynez sa Ang Latest.

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ngayon ay meron pa ring mga nang-iintriga sa dating sexy star.

Nakuha raw niya ang mga bukol na ‘yun sa kapaparetoke ng iba-ibang parte ng kanyang katawan.

Pinabulaanan ‘yun ni Ynez Veneracion, walang kinalaman ang kanyang mga bukol sa pagpapabago ng kanyang ilong at iba pang bahagi ng kanyang katawan, hiwalay ‘yun sa kanyang pinoproblema ngayon.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: