Skip to content

ROBIN parurusahan ng mga BOSSING ng DOS?

February 10, 2013

robin marielDahil sa pagpunta sa Wowowillie  para sorpresahin si Mariel

Ito namang si Robin Padilla na nakakontrata sa ABS-CBN ay gumimik naman ng mali sa Wowowillie rin.

Dahil may tampuhan sila ni Mariel Rodriguez ay sinugod naman ang asawa sa show ni Willie Revillame at biglang nag-guest with matching drama na isinusuot daw ang wedding ring nilang hinubad ni Mariel.

Naghamon pa ng kung anu-ano sa mga kumakalaban sa asawa niya sa social media.

Hindi ba nag-iisip itong si Robin? Sa ABS-CBN siya kumikita pero pinayagan niyang makakuha ng malaking mileage ang kalabang show ng mother studio niya.

Natural, nagdagdag ng malaking publicity ang presence niya sa Wowowillie because of what he did.

Mga sarili lang nila ang iniisip nila. Meron akong feeling na sinadya niyang gawin ito para pag-usapan sila.

Kung naaalala n’yo pa, may lumabas na item dati na gustung-gusto nilang papuntahin nga si Robin sa Wowowillie dahil tanging siya na lang ang may konek sa show na hindi pa nakakapag-guest sa programa.

Sina Randy Santiago at John Estrada na nakaaway ni Willie dati ay nakipag-ayos na with Willie.

Sana raw ay maka-guest din si Robin dahil nandoon ang asawa niyang si Mariel.

May nabasa akong ganyang item kaya hindi na ako nagulat nang mabalitaan kong biglang dumating si Robin sa show nila.

Perfect excuse nga ‘yung sinasabi nilang nagtampo si Mariel at kailangang suyuin siya ni Robin na umuwi na.

Puwede namang pumunta siya halimbawa at kinausap ang asawa sa dressing room nito, di ba?

Hindi naman niya actually kailangang mag-guest at kung halimbawa ma’y totoong tinawag siya ni Willie to join them sa stage nang makita siya sa audience, dapat ay tumanggi siya politely para walang masabi ang Dos sa kanya, di ba?

Pero hindi, eh. Gusto rin niya kaya siya umakyat sa stage.

Aminin nila iyan. Hay naku, kanya-kanya lang sila ng drama talaga.

Mga aktor talaga. What else can we do?
I don’t know kung ano ang magiging sanction ni Robin mula sa ABS-CBN.

Knowing Robin, lalaban iyan sa anumang kaparusahang ipapataw sa kanya saka-sakali. Iba rin ang ugali ng batang iyan.

Pero pustahan tayo, isang malaking “SORRY” lang ang katapat niyan.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: