Skip to content

DEREK ayaw patusin sina CRISTINE at NADINE, may ibang tinatarget

February 10, 2013

derek ramsaySumusumpa na walang nangyaring ‘tikiman’

MAGANDA ang pasok ng taon pero maintriga pa rin para kay Derek Ramsay ang pagsisimula ng 2013.

Nandiyan pa rin ang ‘di matapos-tapos na isyu sa kanila ng ex-GF niya na si Angelica Panganiban at bumungad naman ang pagkaka-link niya kay Cristine Reyes.

“Well, at least this time may truth naman ng konti dahil kilala ko naman si Cristine at talaga namang lumalabas kami. But that’s all it is.

We’re friends, walang ano, hindi ako third party.

Hindi ko gagawin ang bagay na ‘yun sa isang kaibigan.

Pero pinapalabas na ako ang reason ng break-up, walang  katotohanan ‘yan.

The best way siguro to find out is sina Rayver (Cruz) at Ah-Ah (palayaw ni Cristine) na lang ang tanungin,” pahayag ng bida ng superhero ng TV5 na Kidlat.Hindi naman makapag-comment si Derek sa isyu na nakipagbalikan na si Cristine sa ex boyfriend nitong si Dennis Trillo.
“Wala akong alam doon.

Pero okey lang ako doon. Kaibigan ko lang si AhAh,” ngiti ni Derek.

Sa ngayon daw wala talaga siyang girlfriend.

Hindi niya nililigawan si Cristine, maging ang leading lady niya sa Kidlat na si Nadine Samonte.

Although, noong binanggit namin sa kanya ‘yung ka-member niya sa Frisbee na diumano’y nililigawan niya, hindi naman nag-deny si Derek.

“You know, nandoon pa rin ‘yun. I’m taking it slow.

I wanna really take it slow. But yeah, nililigawan ko pa rin siya, kung may oras,” sabi ng aktor.

Sa huling interbyu namin kay Angelica nabanggit namin ang tungkol sa mini-cooper na iniregalo noon ni Derek sa kanya.

Hindi raw alam ni Angelica kung saan napunta ang pinagbentahan ng sasakyan at ‘yung bahay sa south area na nabalitang bahay din ni Angelica ay nakapapangalan lang diumano kay Derek.

“‘Yung mini-cooper ang masasabi ko diyan, kausapin na lang niya ‘yung may-ari ngayon.

That car was sold over two years ago, way before our break-up.

And ‘yung kotseng ‘yun binenta dahil hindi na niya ginagamit.

Hindi ko binenta dahil gusto kong ibenta. Ayaw niyang gamitin.

Hindi na niya ginagamit. Sabi niya, ibenta mo na.

Binenta ko na,” paliwanag ni Derek.

Ayon pa kay Derek, hindi raw niya ‘yun binenta para kumita siya, “Sa amin ‘yun.

So, that went to our joint account. Alam niya ‘yun.”

Tinanong namin si Derek kung hanggang ngayon ba ay may joint account sila ni Angelica, “No more na.

Tapos na ‘yun. Tapos na kami. Matagal na siyang may sariling buhay.

I moved on, she moved on. I’m happy with my life. So, let’s be happy for her,” sagot ni Derek.

At si Derek mukhang happy naman with TV5 sa importansyang ibinibigay sa kanya.

Gaya na lang noong nag-launch sila sa Resort’s World ng mga bago nilang shows na pinamagatang “Go5!”, bonggang-bongga ang hunk actor sa pag-entrada niya sa stage, huh!

Bukod sa Kidlat, nandoon din ang stars ng ibang shows ng TV5 gaya ng The Alabang Housewives, Jeppney Jackpot, Never Say Goodbye, Wowowillie, Hayop sa Galing, RESCUE5, Aksyon Weekend, Balwarte, FB: Forever Barkada at Kanta Pilipinas.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: