Skip to content

TONI: Magkaiba kami ni KC, di kami pwedeng ikumpara!

February 9, 2013

toni gonzagaBilang host ng The Voice sa ABS-CBN

IKINUKUMPARA ngayon si Toni Gonzaga kay KC Concepcion.

Sino raw ang mas magaling sa kanila ni KC bilang reality show host – si KC ang nag-host ng X-Factor Philippines at si Toni naman ang magho-host ng The Voice of the Philippines.

“Magkaiba naman. Magkaiba naman, although parehong reality-singing competition. Magkaiba kami ni KC sa paghu-host.

Kaya hindi mo kami puwedeng ikumpara.

“Kasi iba yung istilo ni KC, iba yung istilo ko.

Pareho lang kaming hosts.

Hindi maganda yun. ‘Wag na tayong mag-compare.

May kanya-kanya naman tayong strength, abilities, skills, and talents.“Kung ano nao-offer ni KC, si KC makaka-offer no’n sa inyo.

At kung anuman yung nao-offer ko, yun naman ang kaya kong i-offer sa inyo,” tuluy-tuloy na chika ni Toni sa presscon na ibinigay sa kanya ng ABS bilang host nga ng nasabing programa.

Si Toni ang magsisilbing Pinoy counterpart ng Hollywood TV host na si Carson Daly ng The Voice US.

Kasama rito bilang judges sina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green at Blake Shelton.

Para sa Pinoy edition naman si Sarah Geronimo pa lang ang kumpirmadong isa sa apat na elebrity coaches.

At inamin nga ni Toni na, “Everything was also a big shock to me.

“I’ve heard about this show a long time ago…actually last year ko pa narinig.

Never kong naisip na magiging part ako, or mapagpipilian ako bilang host ng programang ito.

“I thought they want someone na bago na gusto nilang i-groom.

Or they might not want my service.

Basta marami akong mga gano’n na iniisip, ‘Siguro gusto nila ng iba,’ ganyan.

“But I’m really, really thankful and I feel really blessed na naibigay sa akin itong programang katulad ng The Voice.

Because this is going to be one of the biggest and the ultimate singing contest of ABS-CBN,” sey pa ng TV host-actress.

Sa pagpili ng mga contestants sa The Voice ay nakatalikod ang mga judge-mentors, so hindi nila makikita ang contestant.

Ibabase lamang nila ito sa singing voice ng mag-o-audition kung sino ang pipiliin nilang ite-train.

Wala pang date kung kailan magsisimula ang The Voice of the Philippines sa ABS-CBN pero sure na sure kaming marami na ang excited dito, at isa na kami diyan dahil big fan talaga kami ng programa.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: