Skip to content

ROBIN mawawalan ng trabaho dahil sa pagseselos ni MARIEL

February 9, 2013

mariel robinMakitid ang utak, sablay daw bilang asawa?

Hanggang ngayon, kahit pa matagal na rin siya sa showbiz, ay hindi pa rin sanay sa kultura at kalakaran ng mundong pinasok niya si Mariel Rodriguez.

Naaapektuhan pa rin siya ng mga ginagawa ng kanyang mister na nu’ng makilala niya ay sikat nang artista at wala namang ginawang pagpapanggap tungkol sa kanyang nakaraan.

Natural lang para kay Mariel ang magselos, pero para sa mas nakararami, ang pagseselos ay dapat niyang inilalagay sa tamang lugar.

Artista si Robin Padilla, sikat at guwapo, hindi talaga maiiwasan na dahil sa tawag ng panga-ngailangan para sa papel ng gagampanan nito sa pelikula o sa telebisyon man ay magkaroon ng ma eksena ng lambingan sa pagitan ng action star at ng kanyang leading lady.

Pero may kakitiran ang isip ni Mariel pagdating sa ganu’n. Talagang kontra siya sa mga love scenes, ayaw niyang gumagawa ng maiinit na eksena si Robin sa pinagbibidahan nitong proyekto, du’n sumasablay si Mariel para sa ating mga kababayan.

Sabi ng isang nakausap namin, “Para ganu’n lang, maglalayas na siya?

Ibabalik na niya kay Robin ang wedding ring nila?

Para namang bago siya nang bago sa showbiz?

Huwag sanang makasanayan ni Mariel ang ganyan dahil baka mawalan na ng projects ang mister niya!”

Pero marunong manuyo ng minamahal si Robin Padilla.

Para sa kanya ay ayos lang ang ganu’n, tanda lang ‘yun nang labis-labis na pagmamahal sa kanya ng babae, pero sumusumpa si Robin na wala itong ginagawang masama.

Nu’ng Huwebes nang tanghali ay pormal at lantarang sinuyo ng makasaysayang action star ang kanyang misis sa Wowowillie, lumuhod pa ito para muling ibalik sa daliri ng kanyang misis ang kanilang wedding ring.

Pinakilig nila ang manonood, kilig na kilig ang studio audience sa kanilang nasaksihan, totoong-totoo nga naman kasing parang telenovela ang takbo ng kuwento ng pagmamahalan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: