Skip to content

KRIS: Hindi naman kina JOSH at BIMBY napunta ang mga pinagpaguran!

February 9, 2013

kris aquinoIniyakan ang huling ‘bayad’ kay James, umabot uli ng milyones

Ramdam na ramdam ng mga followers ni Kris Aquino ang kanyang kalungkutan sa sunud-sunod na tweets niya kahapon.

Sey ni Kris, parang nakakaramdam daw siya ng “birthday blues”, she’s turning 42 na sa Feb. 14.

Binanggit ni Kris sa kanyang post sa Twitter ang tungkol sa pagpirma niya ng huling tseke para sa financial settlement niya kay “u know who.” Ang tinutukoy ni Tetay ay ang dati niyang asawang si James Yap.

Kung natatandaan n’yo pa, naging malaking balita ang paghahati nina Kris at James ng kanilang ari-arian, sinasabing milyones ang nakuha ng PBA player mula sa kaban ng yaman ni Kris.

At ito ang dahilan kung bakit nakapagsalita ang TV host-actress ng, “Hindi naman kay josh & Bimb napunta ang pinagpapaguran ko…”Narito ang kabuuan ng mga tweets ni Kris kahapon ilang araw bago siya mag-birthday, “Siguro birthday blues talaga – last night while taking care of Bimb I had to sign another check in the millions, last payment sa financial settlement w/u know who…

I cried because of my past stupidity & sa exhaustion I feel sa trabaho na unfortunately hindi naman kay josh & Bimb napunta ang pinagpapaguran ko…

“Honest parang cold water was poured all over me to realize that maybe wag na lang umasa ever to find my happily ever after…

Haayyy birthday blues. Just needed to get that pain off my chest,” ayon pa sa leading lady ni Robin Padilla sa seryeng Kailangan Ko’y

Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: