Skip to content

SUNSHINE hindi na masikmura ang pambabae ni CESAR, sumuko na

February 8, 2013

cesar montanoNag-usap lang tungkol sa sustento ng  mga anak

Akala ng mas nakararami ay naayos pa ang personal na problema ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz, pero hindi na pala ‘yun naisalba, tuluyan na silang naghiwalay at naghahanap na ng malilipatang bahay ngayon ang aktres para matirahan nilang mag-iina.

Mismong si Mama Alfie Lorenzo, manager ni Sunshine, ang kumumpirma sa balita.

Tututok na lang daw ngayon ang aktres sa kanyang career para mabilis niyang makalimutan ang sakit ng damdamin na ibinigay sa kanya ng action star.

Ang itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang starlet na si Krista Miller, ayon sa mga kuwento-kuwento ay ilang ulit na raw na nahuhuli ni Sunshine ang pambababae ng kanyang mister, pero itong huli ang talagang hindi na kinaya pang sikmurain ng aktres.

Nag-usap na pala sila nitong nakaraang linggo, pero labas sa paksa ang kanilang pagbabalikan, ang sustento lang ng kanilang mga anak ang dahilan ng kanilang komunikasyon.Naghahanap na ngayon ng matitirahan si Sunshine at ang kanilang mga anak, nakikipag-usap na rin si Mama Alfie Lorenzo sa ABS-CBN, kailangan nga namang magtrabaho-malibang ng aktres para sa mabilisang paglimot sa naganap sa kanilang relasyon ni Cesar Montano.

Hanggang ngayon ay maganda pa rin si Sunshine, hindi niya rin napabayaan ang kanyang katawan, may maganda pang hinaharap sa showbiz si Sunshine Cruz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: