Skip to content

MARIEL nagtatalak sa TWITTER, selos na selos kay KRIS

February 8, 2013

mariel rodriguezOKAY na si Mariel Rodriguez  matapos ang kaunting intriga sa  pagsasama nila ni Robin Padilla.

Madaling araw ng Miyerkules ay nag-post na kasi siya sa  Twitter ng, “I miss you so much robinhoodpadilla sorry for being such a brat!” habang yakap-yakap siya ng asawa ay sinusubuan pa siya nito ng pagkain.

Matatandaang nagtatalak si Mariel sa kanyang Twitter, at isa sa naging post niya ay, “Only human.

Of course I get jealous when they hug you, because in that moment, they have my whole world in my arms.”

May kinalaman ito sa halikan nina Robin Padilla at Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw na umere noong Martes.

Pinayuhan siguro siya na huwag seryosohin ang eksena dahil ang sumunod na niyang post ay, “NO. IT’S NOT OK. I DO NOT CARE. U think its okay because it has to be okay but ITS NOT. That’s life.”Pinagsabihan din namin si Mariel na pinagpipiyestahan na ang posts niya kaya pinayuhan namin na kung sakaling may gusto siyang sabihin ay huwag na lang ibandera.

Pero sinagot niya kami ng, “I don’t care, I don’t need to be interviewed.

Lahat ng feelings ko, tini-tweet ko talaga. I don’t care talaga.

But I’m Ok. Hindi lang kasi ako sanay! Pero mabait si Ate Kris (Aquino), sobra!”

Tinanong namin siya kung totoong okay sila ni Kris, “Oo, okay kami ni ate Kris.” Kasabay nito nabasa namin sa tweet niya na nagpapasalamat siya sa Queen of All Media.

Na sinagot naman ni Kris ng, “I’m so happy we talked. Be happy forever okay?” Kaya abut-abot naman ang pagte-thank you ni Mariel.

Ayon naman sa mensahe sa amin ni Roxanne (karakter ni Kris sa KKI) nang kunan namin ng reaksyon tungkol sa nararamdaman ngayon ni Mariel, “Naku Reg, this Friday, may character has cancer na, so walang intimate scenes anymore.

Tapos mas affected pa ako kasi SAD, moved to last slot ang KKI starting Monday, so on air na kami bandang 9:50PM/10PM, mas malungkot ‘yun.”

Sa madaling salita, mas apektado si Kris sa paglipat ng timeslot ng KKI kaysa sa pagseselos ni Mariel dahil  trabaho lang naman talaga ang ginawa nila ni Robin.

Samantala, habang tumatalak pala si Mariel  ay nakikipag-meeting naman si Kris sa ABS-CBN para nga sa paglipat sa mas late na timeslot ng Kailangan Ko’y Ikaw.

At dito na talaga nalungkot si Kris dahil masyado na nga namang late eere ang KKI, hindi imposibleng mabawasan ang nanonood dito.

Anyway, mukhang itong KKI na ang huling serye ni Kris dahil nag-tweet uli siya ng, “I’m not retiring, just prioritizing.

It was my dream to become an actress- but my talent isn’t in becoming a character, but just being me.

Sabi pa niya, “Kris TV remains strong & is an excellent venue for us to connect, PGT4 will start Feb 16 already & they r so optimistic because it is fresh.

There’s a new show in the horizon & I know u will enjoy that because u keep telling me u miss me in that format.

Things do fall into place.”

At dahil magkakasakit si Kris sa istorya ng KKI at mababaling ang atensyon ni Robin kay Anne Curtis at meron din silang maiinit na eksena rito.

Nakakaloka ang Kailangan Ko’y Ikaw trending gabi-gabi.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: