Skip to content

GERALD nabitin, pinagbawalan nang makipag-date kay MAJA

February 8, 2013

gerald andersonPara hindi na lumala ang iskandalo sa kanila ni Kim

NAGPAPALAMIG lang daw sina Maja Salvador at Gerald Anderson, pero malamang daw sa lalong madaling panahon ay aamin na raw ang dalawa sa tunay nilang relasyon.

Ayon sa mga chikang nakakarating sa atin, totoong magdyowa na raw ang dalawa at medyo matagal-tagal na raw ito, kaya nga ganu’n na lang ang pagkaimbiyerna ng dating best friend ni Maja na si Kim Chiu (ex-girlfriend ni Gerald) dahil feeling nga niya ay tinraydor siya ng kaibigan.

May nag-advice diumano kina Gerald at Maja na huwag munang lumabas-labas para hindi na lumaki ang iskandalo sa pagitan nilang tatlo, at maghintay na lang ng tamang panahon bago ibandera ang kanilang pagmamahalan.

Pero ayon naman sa isang nakausap namin, si Gerald na raw ang nagdesisyon na huwag na muna silang lumabas-labas ni Maja para matigil na ang pang-iintriga sa kanila, hindi na rin kasi nagiging maganda ang epekto nito sa kanya, para kasing lumalabas na ang sama-sama niyang lalaki.Pero para sa ilang kalalakihang nakausap namin, inggit na inggit sila kay Gerald, ikaw ba naman ang pag-awayan ng mga babae, di ba?

Idol na idol nga raw nila ang aktor, astig para sa kanila ang nangyayari ngayon kay Gerald. Ha-hahaha!

Anyway, wait na lang tayo kung hanggang kailan makakaya nina Gerald at Maja ang magtago, pasasaan ba’t mapipilitan din silang aminin na ang totoo.

Para naman sa mga fans ni Gerald na miss na miss na siyang mapanood na nagdadrama, ito na ang pagkakataon n’yo, dahil siya ang bibida sa isa na namang madamdaming episode ng Maalaala Mo Kaya bukas ng gabi.

Ito’y tungkol sa isang matatag na pamilya na dumaan sa matitinding pagsubok.

Bibigyang buhay ni Gerald ang karakter ng ikatlong anak ng yumaong dating senador na si Rene Cayetano (gagampanan ni Tommy Abuel) na si Alan Peter Cayetano.

Dahil sa palagiang suporta ng kanilang ama, halos simple lang ang buhay ng magkakapatid na Cayetano.

Ngunit sa isang iglap, nabago ang lahat nang ma-diagnose na may stomach cancer ang kanilang ama.

Paano naging lakas ng magkakapatid na Cayetano ang pagkakasakit ng kanilang ama?

Paano nila napanatiling matibay ang relasyon ng kanilang pamilya sa kabila ng pagkawala ng haligi ng kanilang tahanan?

Bukod kina Gerald at Tommy Abuel, bahagi rin ng MMK episode ngayong Sabado sina Jackielou Blanco, Justin Gonzales, Carla Guevarra, Sam Concepcion, Pica Lozano, Empress Schuck at Eslove Briones. Ito ay sa direksyon ni Nuel Naval.

Bukas na ng gabi ‘yan pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: