Skip to content

PACMAN: Inaamin ko nakagawa po ako ng mga karumal-dumal na kasalanan!

February 6, 2013

manny pacmanIlang ulit nangako kay Jinkee na magbabago  pero laging bigo

Kailangan daw ang Diyos ang laging nasa sentro ng pamilya

SUMUSUMPA si Manny Pacquiao na hindi na talaga siya nambababae.

Super loyal na raw siya sa kanyang asawang si Jinkee.

Bukod dito, kinalimutan na rin niya ang iba pa niyang mga bisyo.

Sa ikalawang episode na handog ng bagong reality-talk show ni Pacman sa GMA tuwing Linggo ng gabi, ang Para Sa ‘Yo Ang Laban NaIto, sinabi niya on national television na goodbye girls na siya.“Wala na. Kailangan magsabi tayo lagi ng truth.

Kasi yung bunganga natin, pag  nagsalita tayo, ano ginagamit natin?

Yung bunganga natin, yung bibig natin.

Tapos nagdasal tayo tapos gumagawa tayo ng kasinungalingan.

“Kung lagi tayong nagsisinungaling, lagi tayong nagla-lie tapos ginagamit natin lagi tayong nagdadasal sa Panginoon.

Parang yung kutsara, ginanu’n mo sa putik, ‘O, ito, gamitin mo.’ Magamit mo kaya yung kutsara na nilublob mo sa putik?

“Kahit na puwede mong sabihin ang totoo pero nasanay kang magsinungaling, magsisinungaling ka.

Sabi ng Panginoon, ‘Work your own salvation. I’ve told you everything ahead of time.’ Ganu’n,” ang litanya ng TV host-politician.

Sa nasabing episode ng Para Sa ‘Yo Ang Laban Na Ito, ininterbyu ni Pacman kasama ang co-host niyang si Jean Garcia ang mag-asawa na nagkahiwalay dahil sa pambababae ni mister at pananakit nito sa kanyang misis.

Ito ang magsisilbing Valentine presentation ng show sa darating na Linggo.

Ayon kay Pacman, naka-relate raw siya sa problema ng mag-asawa.

Kaya tinanong siya ni Jean kung paulit-ilit daw niyang  sinaktan si Jinkee.

Tugon ni Manny, “I always…before that, I always think how to gratify the desires of the flesh.

Yung ma-satisfy yung sarili ko, yung gusto ko.

But, may nabubuong pride din sa sarili ko, ‘Bakit ako ano… ako si Manny Pacquiao ba’t ako mag-aano sa asawa ko?’”

“Ilang beses akong humingi ng tawad sa asawa ko.

Sabi ko, ‘Patawarin mo ako. Magbago na talaga ako.’

Pero laging bigo dahil siyempre ang daming mga nasa paligid. Kumbaga sa ano, kung anong gusto ko, nakukuha ko.

“Pero noong tinanggap ko ang Panginoon sa buhay ko, nalaman ko kung paano magpakumbaba.

Kailangan talaga para mabuo ang isang pamilya, para mabuhay kayo nang mapayapa at masaya, sana marinig nila at makuha nila at makapagbigay ng inspirasyon sa kanila.

Sa akin is kinalimutan ko yung pride na nararamdaman ko.

“Ako mismo, sa sarili ko, humingi ako ng tawad, unang-una sa Panginoon.

Tapos sabi ko sa asawa ko, ‘Babe, this time, hindi ako mangangako sa iyo.

Hindi ako sa ‘yo mangangako kundi sa Panginoon ako mangangako.’ Dahil sinurender ko na ang buhay ko sa Kanya.

“‘Kung anuman ang mangyari, na sa ‘yo, kung tanggapin mo ako ulit.

Pero ako, nandito akong nagpapakumbaba, humihingi ng tawad kung anuman ang nagawa kong kasalanan, na hindi ka dapat magsakripisyo nang ganito. ‘Ako ang may kasalanan ng lahat.

Tanggap ko ‘yan. Basta okay na sa ‘kin na mapatawad mo ako kahit hindi mo ako tanggapin.

“‘Maluwag lang sa kalooban ko na nakahingi ako ng tawad sa ‘yo at sa Panginoon.

Nakagawa ako ng mga karumal-dumal na kasalanan,” sey ni Pacman na bigla ring natawa sa sinabi niya.

“At alam mo, nabuo yung pamilya ko at ang pinakamalaking leksiyon talaga doon, kailangan talaga ang Panginoon.

Kailangan, God is the center of the family. God is love, e,” pahayag pa ng Pambasang Kamao.

Ano  ang message niya kay Jinkee sa  Valentine’s day? “Love, love, love, love, love!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: