Skip to content

Nakakasawa na raw, SHOWTIME nina VICE tsutsugihin na?

February 6, 2013

vice gandaGaano katotoo na babaguhin na ng Dos ang programming nila sa tanghali dahil napag-iiwanan na ng Eat…Bulaga! at Wowowillie ang pambato nilang noontime show?

Ano na ang nangyari sa show ni Vice Ganda, bakit nangungulelat na sa labanan, bakit pinag-iiwanan ‘yun ng kasisimula pa lang na programa ni Willie Revillame?

Reaksiyon ng aming source, “Nakakasawa na kasi ang atake ni Vice, puro ganu’n na lang, walang pagbabago.

Kung nu’ng una, e, nakakaaliw pa siyang panoorin dahil kakaiba ang style niya, ngayon, e, wala nang ganang manood sa kanya ang marami, pare-pareho lang naman kasi ang mga ginagawa nila sa show!” pahayag ng aming impormante.

Kunsabagay, kung wala namang bago sa kanilang mga ginagawa ay bakit ka magtitiis, ikaw ang nagbabayad ng nakokonsumo mong kuryente, kaya natural lang na kung ano ang gusto mo ang dapat masunod, lalo na’t meron ka namang pamimilian?Sa kanyang pagbabalik sa noontime show ay hindi kailanman inisip ni Willie Revillame na kalabanin ang Eat…Bulaga!, alam niya na napakatatag na ng show na ito para kabugin pa nila, kaya sila ng programa ng komedyante ang pinagsasabong.

Waging-wagi ang Wowowillie, napag-iiwanan sa labanan ang It’s Showtime, panahon na nga siguro para baguhin ang istilo ng programa para sumabay sa labanan ng mga pangtanghaling programa.

Pana-panahon lang ‘yan.

Pero naghahanap palagi ng bago ang publiko, hindi puwedeng kung ano-ano na lang ang ihinahain sa kanila, mahal ang bayad sa kuryente at gusto siyempre nilang masulit naman ‘yun sa panonood ng mga programang ikinaliligaya nila.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: