Skip to content

KIM: Kung trabaho, trabaho lang!

February 6, 2013

kim chiuKahit hindi pa rin mabanggit ang pangalan ni Maja

CIVIL naman daw sa isa’t isa ang dating mag-best friend na sina Maja Salvador at Kim Chiu, walang katotohanan ang mga kumakalat na chika na grabe ang tensiyon sa taping ng Ina Kapatid Anak dahil sa dalawang young actress.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, totoong hindi masyadong nagkikibuan sina Kim at Maja sa set ng kanilang teleserye na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida, pero wala naman daw nagiging problema ang production dahil parehong professional ang dalawa.

Sabi pa ng aming kausap, huwag din daw maniwala ang mga manonood na ginagamit nina Kim at Maja ang galit nila sa isa’t isa sa mga confrontation scene nila sa Ina Kapatid Anak, mararamdaman naman daw ng staff kung may personalan nang nagaganap sa dalawa.

Likas na magaling lang daw talaga ang dalawang aktres kaya nagiging mukhang totoo ang kanilang mga eksena.Sa napanood naman naming interview ng TV Patrol kay Kim, sinabi nitong wala siyang problema sa set ng kanilang soap.

Maayos naman ang kanilang working environment sa Ina Kapatid Anak.

At professional ang lahat ng artistang kasama nila Pero kapansin-pansin na hindi pa rin mabanggit-banggit ni Kim ang pangalan ni Maja.

“Yung mga artistang nakapaligid sa amin, sobrang magagaling at nadadala na rin nila kami sa kung paano sila umarte.

Ganu’n na rin kami, kasi siyempre nakakahiya para sa amin kung hindi namin ibigay ‘yung 100 percent namin,” pahayag pa ni Kim Chiu.

Tinanong naman si Kim kung “no more intrigues” na sa kanilang set, ani Kim, “Oo, ang importante, kung trabaho, trabaho, di ba?”

So, totoo kayang naka-move on na si Kim sa away nila ni Maja na balitang maligaya na ngayon sa piling ni Gerald Anderson?

At totoo rin ba ang chika na sinagot na ni Kim si Xian Lim kaya dedma na sina Maja at Gerald sa kanya?

May alam kaming kuwento tungkol sa tunay na estado nina Kim at Xian, pero hindi na namin ito ise-share dahil medyo private na, kaya hayaan na lang natin na sa kanilang manggaling.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: