Skip to content

COCO: Kung di ako ang escort niya, masasaktan ako!

February 6, 2013

coco martinNagparinig kay Julia sa nalalapit na debut party

Enchong Dee hindi pupunta sa b-day ni Julia 

IBANG klase ngang magpakilig ng babae si Coco Martin, bossing Ervin dahil dinadaan niya ito sa pa-cute at pangiti-ngiti at nasaksihan namin ito kahapon sa grand presscon ng “A Moment In Time” ng Dreamscape Entertainment at Star Cinema mula sa direksyon ni Emmanuel “Manny” Palo.

Natanong kasi ang leading lady niyang si Julia Montes kung siguradong si Coco na ang escort niya sa kanyang debut sa Marso 19, umoo naman ang dalagita, pero sabi niya sana’y hindi maudlot dahil nga sobrang busy ngayon ang actor.

Pero agad naman itong sinalo ni Coco, “Hindi pa nga siya (Julia) dumidirekta sa akin, kung kani-kanino ko lang naririnig, siyempre nag-e-expect ako na ako ang escort niya.

Kung hindi ako, masakit sa akin ‘yun.”

Kaya’t nagsabi na si Julia na si Coco na ang escort niya, na sinagot naman ng aktor, “Pag ako escort mo, ibig sabihin may posibilidad na tayo?” sabay pa-cute na ngiti ng actor na siniko naman ng dalagita.Pero bago mag-umpisa ang presscon ay natsika na namin si Coco sa dressing room ng Dolphy Theater at tinanong namin ulit kung sila na ni Julia.

“Hindi pa talaga, wala pang 18, eh. Saka baka hindi ako pumasa kay Mr. M (Johnny Manahan),” nakangiting sagot ng actor.

Napaisip kami kung bakit si Mr. M ang kailangang mag-decide kung sino ang magiging boyfriend ni Julia at naalala namin ang sinabi ng isa sa handler ng Star Magic na, “Wag na ‘wag mong inenega si Julia, paborito ‘yan ni Mr. M.

Sobrang anak niya ‘yan.”

Oo nga pala, si Mr. M ang parang tatay ng batang aktres sa showbiz bukod sa pagiging manager.

Anyway, pagkatapos ng question and answer ay natanong si Julia kung anong masasabi niya sa tinuran ni Coco na kapag siya ang escort sa debut party niya ay considered na sila na.

“Ha-hahaha! Oo, ngayon ko lang narinig.

Sa totoo kasi, hindi ko pa siya personally na-invite o nasabihan na kung puwede. So kanina lang nangyari.

Idinadaan lang ni Coco sa biro ang panliligaw niya kay Julia, hindi ba ito nararamdaman ng  aktres?

At kinikilig ba siya rito?

“Basta, maalaga siya talaga, so hindi ko masabing hint ‘yun.

Kasi sa lahat maalaga siya.

Siyempre naman kapag ang babae inaalagaan mo kahit sino pa ‘yan maski hindi mo naman crush o kung hindi mo man tipo basta’t inaalagaan ka at ipinararamdaman sa ‘yo na para kang prinsesa, siyempre nakakakilig,” pag-amin ni Julia.

Sinabi rin ng dalagita na mas napansin daw niyang maalaga ang leading man niya noong nasa ibang bansa sila habang sinu-shoot ang “A Moment In Time” kaysa sa serye nila noon.

“Mas naramdaman ko at mas nabigyan ni Coco ng justice ‘yung pagiging gentleman niya kasi talagang maalaga siya, hindi lang sa akin, sa lola ko lalo, hindi siya ‘yung showbiz na ugali na ginagawa niya kasi kailangan, kumbaga ugali na talaga niya ‘yun,” sabi pa ng aktres.

At malaking puntos itong pagiging close ni Coco sa lola ni Julia, “Oo, kasi gusto ko sa isang lalaki na gentleman, marunong kang mag-alaga ng babae, marunong kang rumespeto ng babae.”

At tinanong din namin kung boto na ang lola ni Julia kay Coco?

“Hindi ko pa natatanong si Lola tungkol do’n, hindi ko alam kung boto siya, pero close sila,” sagot ng batang aktres.

Samantala, hindi pala kasama si Enchong Dee sa 18 roses para sa debut niya dahil, “Hindi siya kasama kasi may prior commitment siya, pero kung puwede naman siya, okay din naman,” sey ni Julia.

Hmmmm, parang hindi pa okay sina Enchong at Julia kaya siguro hindi na rin dadalo ang binata na sa pagkakatanda namin ay siya sanang escort ni Julia sa kanyang debut.

Anyway, sa Peb. 13 na mapapanood ang kilig-movie nina Coco at Julia kung saan kasama rin nila sina Cherrie Gil at Gabby Concepcion with Ella Cruz and Joseph Marco.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: