Skip to content

JOHN LLOYD biglang hiniwalayan si ANGELICA, nagkasawaan na?

February 5, 2013

john lloyd cruzNakitang may ka-date na ibang babae sa bar

May problema ba ngayon sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban?

Tapos na ba ang kanilang dating nilalanggam na relasyon?

Kung totoo ang mga kuwentong naglalabasan ngayon na wala na sila ay paano na ang mga papuring binitiwan nang napakaaga ng young actress tungkol kay Lloydie?

May source na nagkuwento, may nakakita sa magaling na aktor sa isang hindi gaanong pansining bar sa Makati na may kasamang ibang babae, sa tingin ng mga impormante ay mukhang hindi lang basta magkaibigan si JLC at ang ka-date niyang non-showbiz.

Sabi pa ng source, “Hindi puntahan ng mga tao ang bar na pinuntahan nila.

Maliit lang ‘yun, medyo nakatago pa, hindi mo nga aakalaing pupunta du’n si John Lloyd, e!

“Baka naman nagsawa na si John Lloyd kay Angelica? Baka nagising na siya sa katotohanan na hindi sila bagay, dahil masyadong palengkera ang karelasyon niya?

Kung totoo ngang tapos na ang lahat sa kanila ngayon ay napakarami nilang kailangang ipaliwanag sa publiko, lalo na’t napakarami nang binitiwang pahayag ng aktres nu’ng kainitan pa ng relasyon nila ni Lloydie, kung ano-anong pagkukumpara sa aktor at kay Derek Ramsay ang ginawa nu’n ni Angelica Panganiban.

Puwede rin namang nagkalabuan lang sila, nagkatampuhan, pero tanong ng mga miron ay sapat na bang dahilan ‘yun para makipag-date si JLC sa iba?

“Kaya pala may mga tweet na hindi kagandahan si Angelica, kaya pala meron siyang pinariringgan na kung sino, meron palang nangyayari sa relasyon nila ni Lloydie!” reaksiyon naman ng isang Twitter follower ng aktres na palaban.

‘Yun ang latest tungkol sa kanilang dalawa.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: