Skip to content

Fans nina MAJA at KIM tumitindi ang bangayan, personalan na

February 3, 2013

Kim and MajaNatahimik na ang issue kina Kim Chiu at Maja Salvador, wala na tayong naririnig na maaanghang na pahayag mula sa dalawang bida ng seryeng Ina Kapatid Anak sa ABS-CBN Primetime Bida.

Pero siyempre, patuloy pa rin ang sabong sa pagitan ng kani-kanilang supporters.

May nabasa kami sa isang blog na nagsabing ang tigas naman daw ng face ni Maja dahil nagagawa pa rin nitong makaharap kay Kim sa kabila ng mga ginawa niya.

Resbak naman ng mga fans ni Maja, wala raw karapatang mag-inarte si Kim at paratangang traydor ang dati niyang best friend dahil wala itong ginawang krimen, nagmamahal lang si Maja at kailan pa raw naging kasalanan ang magmahal?

Well, hayaan na nating magbangayan ang fans ng dalawang aktres, at tama ang desisyon nila na manahimik na lang for the sake of their primetime series.

Baka nga naman manega pa ang Ina Kapatid Anak, di ba? Sayang naman ang pagiging consistent number one nito sa ratings game!

Anyway, sa Lunes na magaganap ang pinakaaabangang tagpo ng fans nina Kim at Maja.

Sa episode na tinaguriang Gabi ng Pagbubunyag ng Lihim, isang pangyayari sa nakaraan ang magsisiwalat ng malaking sikreto na babago sa takbo ng buhay ng lahat ng karakter sa Ina Kapatid Anak.

Ano ang tunay na naganap noong gabing ipinanganak ni Teresa (Cherry Pie Picache) si Celyn (Kim)?

Tungkol saan ang malaking sabwatan nina Beatrice (Janice de Belen) at Oscar (Jayson Gainza)?

Sa huli, sino kina Celyn at Margaux (Maja) ang tunay na naging biktima ng mga pangyayari sa nakaraan?

Mapapanood ang Ina Kapatid Anak pagkatapos ng Juan dela Cruz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: