Skip to content

DAWN: Nahihiya talaga ako! tabi-tabi naman!

February 3, 2013

Dawn RichardDahil sa dialogue ni Vice na, ‘Basag na naman ang TV ni Lucy Torres!’

Kongresistang asawa ni Dawn selos na selos nga ba kay Goma?

BILIB na bilib daw talaga si Dawn Zulueta sa pagkahenyo ni Vice Ganda, nang dahil daw kasi sa gay TV host-comedian ay naging top trending topic siya sa mga social networking sites.

Ito’y dahil nga sa naging dialogue ni Vice sa kanyang talk show na Gandang Gabi Vice na “I-Dawn Zulueta mo ako!” noong naging guest niya sina Dawn at Richard Gomez.

“You know, I feel incredible, super incredible.

I even thanked Vice when I saw him last Saturday when I guested in Showtime.

I told him, ‘Ikaw lang talaga ang may ganyang klaseng influence. Kayang-kaya mong magpauso.’

“Nag-trending na naman siya (sa Twitter). I am very grateful to Vice.

Dahil sa kanya, I’m a household name again.

And not only that, I’m a verb! Salamat kay Vice Ganda! Ha-hahaha!” chika ng aktres.

Natanong si Dawn kung ano naman ang reaction ng kanyang asawang kongresista na si Anton Lagdameo?

“Hindi nga niya maintindihan, e.

Sabi ko, ‘Ako rin, hon, hindi ko rin maintidihan e.’ Si Vice lang ang may kagagawan.

Pero natutuwa naman siya.

“Honestly, pag in-interview n’yo ang asawa ko, he will really tell you, he’s so proud of me!” nangingiting say pa ni Dawn.

Inamin naman ng aktres na hiyang-hiya rin siya sa misis ni Goma na si Rep. Lucy Torres-Gomez sa sinabi ni Vice na “Basag na naman ang TV ni Lucy Torres!” dahil nga sa kilig moments nila ni Richard.

“Nahihiya naman ako, tabi-tabi naman.

You know, everything naman with Vice…you know, everything naman is just clean fun.

“And I would like to think si Lucy is also really… she’s such a sport and what a trooper, really such a trooper, hanga ako sa kanya.

Tsaka walang dapat ipagselos si Lucy!” dagdag pa ni Dawn.

Hindi makakasama ni Dawn si Goma sa kontrobersiyal na teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kung saan pinalitan nga niya si Maricel Soriano bilang nanay ni Gerald Anderson.

Ano ang sey niya rito?

“Well, hindi naman lahat ng fans ay Penguins (grupo ng fans nila ni Richard).

I’d like to believe that there are fans naman who whether or not their Penguins will still support Dawn Zulueta.

Sana naman.

“Well, at least I felt that because when I went to visit some social networking site with my name being floated, was being nominated for this role, I mean wala pa talagang kasiguraduhan kung ako na talaga.

Marami naman ang nagku-comment na masaya sila para sa akin,” tugon ni Dawn.

Pero para sa fans nila ni Goma, magkakaroon daw uli sila ng proyekto, pero baka raw pagkatapos na ito ng eleksiyon dahil nga tatakbo muli ang aktor sa Ormoc bilang mayor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: