Skip to content

MARTIN ‘TAKOT NA TAKOT’ maka-duet si JED MADELA

February 2, 2013

jed martinKay Martin Nievera rin pala nanggaling ang title ng ASAP na ang ibig daw sabihin ay All-Star Afternoon Party.

And take note kapatid na Ervin, sa tinagal-tagal na namin sa industriya, siguro tatlo o apat na beses pa lang kaming nakakapanood ng ASAP sa studio at isa o dalawang beses sa out-of-town.

The fact is, ngayong panahong ito ay maghihintay pa kami ng anim hanggang pitong buwan para lang ma-accommodate as studio audience dahil sa dami ng naka-line-up!

Segue pa nga ang isa pang host ng show na si Zsa Zsa Padilla, hindi na siya humihingi ng passes ngayon dahil yung mga guests daw niya ay nagagalit lang sa kanya dahil sa gallery lang sila nabibigyan ng seats. Ha-hahahaha!

Sa thanksgiving party na ginawa last Wednesday ay well-represented ang mga segments ng ASAP.

Bukod kina Martin at Zsa Zsa, nandu’n din si Gary Valenciano, na lahat ay talaga namang mahuhusay na host, at keri ang magsalita ng Tagalog at English sa spiels nila.

Hindi na kami magbabanggit ng iba pang show na alam nating may mga hosts na trying hard mag-Ingles at mag-Tagalog. Ha-hahahaha!

Present din that night sina Richard Poon, Juris at Princess ng Sessionistas, ang mga baguhang miyembro ng show na sina Khalil Ramos, Zia Quizon at KZ Tandingan (X-Factor winner).

Nandu’n din ang choreographer ng G-Force na si teacher Georcelle Dapat.

“What you see on TV is entirely different from what’s happening behind the cameras.

Kung maido-document nga lang ‘yung mga nagaganap sa backstage at sa mga dressing rooms, pwedeng-pwede itong gawing reality show!” tsika ni teacher Georcelle.

Pahabol: Natawa lang kami sa naging statement ni Martin nang sabihin nitong isa sa mga kinatatakutan nilang kasama sa production number ay si Jed Madela.

Napakataas daw kasi ng boses nito at mahirap talagang sabayan.

Pero ‘yun daw ang challenge sa ASAP every Sunday, kailangan daw talagang maghanda at mag-aral ng leksiyon para maibigay ang dapat na ibigay sa manonood.

At ito pa, say ni Martin wala talagang kumpetisyon sa pagitan nila ni Gary.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: