Skip to content

‘BIRD’ ni DEREK RAMSAY pasaway, problema sa taping ng kidlat

February 2, 2013

derek ramsayBukod sa sobrang pagpapawis dahil sa costume

Derek: Wala akong sex life ngayon, promise!

NANINIWALA na kaming mataas ang rating ng hero-seryeng Kidlat ni Derek Ramsay bukod pa sa may posibilidad na ma-extend ito dahil nagpa-thanksgiving dinner na nga ang TV5.

E, di ba bossing Ervin hindi naman basta nagpapasalamat ang TV5 kung hindi kumikita at hindi nagri-rate ang kanilang programa, kasi katwiran nila ay ayaw nilang manloko ng tao.

Inamin ni Derek na talagang dusa ang inaabot niya kapag naka-Kidlat costume siya dahil sobrang init sa katawan dahil nga kapit na kapit ito kaya naman tagaktak ang pawis habang nagte-taping.

“Sometimes kasi nalimutang hugasan ‘yung gloves, maski sino naman ‘yun di ba, natuyo, pawis, so, mabaho.

Like nu’ng galing kaming Sinulog, pawis na pawis ako. Tapos ‘yung sunod na taping, (naamoy) ang baho! I have four extra suits, pero ang nadala lang sa Sinulog, one pair of gloves lang, okay lang pawis ko naman ‘yun, pero mabaho,” kuwento ng aktor.

At para hindi raw siya magkaroon ng rashes sa katawan ay naglalagay siya ng ng petroleum jelly, “I also wear body suit that makes my package is happy para hindi direkta tapos nama-massage pa for protection.”

Inamin din ng aktor na pati private parts niya ay pinapahiran niya ng jelly.

Diretsong sinabi ni Derek na wala na raw siyang hiya-hiya sa set ng Kidlat kapag gusto niyang ayusin ang pribagong parte ng katawan niya dahil hindi raw magandang tingnan kapag naka-costume siya.

“Everyone in the set sees na kumakambyo ako, like sabi nila naka 2’o clock na, okay pack! Balik sa 12o’clock.

Kasi hindi maganda sa costume, nakabakat, siyempre di ba nagpa-fight scene ka so, nag-change position talaga,” magandang paliwanag ng aktor.

At dahil sa sobrang hectic ng schedule ni Derek ay wala na raw siyang sex life, “Wala na akong sex-life ngayon, promise! Negative talaga.”

Samantala, tinanong namin si Derek tungkol sa nakaraang dinner nila ni Cristine Reyes sa Aladdin Fusion Restaurant sa BF Homes, Parañaque na naunang itinanggi ng aktres.

Ang nakakatawa bossing Ervin, inamin naman ito ni Derek kaya sino ngayon ang sinungaling?

Anyway, ang kuwento ng aktor, “We’re very close, we had dinner, that was in BF Homes, we went out with Darryl Dee na nakunan ng picture but was cropped out.

I always say naman na I’m comfortable to be seen out with Cristine kasi she’s my friend. Siya (Cristine) ang may alam nu’ng resto na ‘yun.”

Itinanggi ni Derek na hindi niya karelasyon si Cristine dahil hindi raw sila talo, “Well, Cristine is beautiful, she’s sexy, she’s my friend and I can’t…hindi talo, hindi ko kaya pag ganu’n, ayokon namang masira ‘yung friendship namin,” katwiran ng aktor.

E, kung type siya ni Cristine? Natawa si Derek, “Hindi ako type no’n, lagi na lang kapag kinakausap ako no’n, parating galit lagi niyang sinasabi, Eepal ka Derek!’ Wala akong nararamdaman na gusto niya ako,” paliwanag ng aktor.

Ang tipo pala ni Derek ay babaeng simple at tahimik at hindi niya itinanggi na gusto niya ang leading lady niya sa Kidlat na si Nadine Samonte, “Nadine is very soft-spoken, I think mas matagal pa nga siya sa showbiz, pero hindi showbiz.

“We’re getting to know each other, I find Nadine so interesting because she’s so soft-spoken, she’s simple and tagal na showbiz at wala kang mararamdamang showbiz sa pananalita niya, sa bihis niya,” paglalarawan ng aktor sa dalaga

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: