Skip to content

ANGELINE QUINTO kamukha na raw ni KIRAY

February 1, 2013

angeline quintoNakakatawa itong listener namin ni Papa Ahwel Paz sa “Mismo” program namin named Paulo Ubalde ng Virac, Catanduanes.

Ang taray niyang magbigay ng opinyon.

“Ang chaka ni Angeline Quinto sa teleserye niya. Kamukha niya si Kiray Celis.

Si Sen. Franklin Drilon ba ang tatay nila?” ang laman ng text niya.

How cruel of you, Paulo, ha. Bad iyan.

Pero in hindsight, honestly, tawa ako nang tawa sa message niya.

Kilala kasi namin si Paulo at hindi rin naman siya kagandahan pero kung manlait, para siyang international beauty queen, ha! Nakakaloka ka, Paulo.

Baka marami ang magalit sa sinabi mo, hala ka!

Matagal na kasing niloloko ng ibang mga mapanlait na magkawig daw sina Kiray at Sen. Drilon. Actually, hindi naman pangit si Kiray, she’s cute.

May resemblance nga sila ng kababayan kong senador pero nagkataon lang iyon. Hindi sila magkaanu-ano, Paulo.

Lukaret ka talaga. Tsaka, igalang mo naman ang ating senador.

Despite Paulo’s kalokahan on Angeline, inggit lang sila dahil ang serye nitong Kahit Konting Pagtingin with Paulo Avelino and Sam Milby sa ABS-CBN ay humataw sa ratings nu’ng Monday.

More than 25% ang nakuha nitong rating sa survey kaya huwag niyong tarayan si Angeline.

Malayo na ang narating ng babaeng iyan.

Kaya lang, meron kaming hinampo sa kanya, iyon ay kung totoong sinabi niya talaga na hinding-hindi raw siya magpe-perform sa comedy bars.

Kung bakit, di ko batid. Ang dating sa amin ay parang sinabi niyang pangmalakihang venue lang siya, na parang cheap ang dating pag sa comedy bars siya mag-show.

Hoy, Angeline, wait lang, alam mo bang halos lahat ng malalaking stars ay nakapag-show na sa comedy bars?

Yung iba ay umuulit pa dahil enjoy na enjoy sila, ‘no!

Kaya huwag kang masyadong matayog. Sana lang hindi totoo ang sinabi mo.

Isusumbong kita kay Paulo Ubalde. Hmp!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: