Skip to content

RAYVER CRUZ nauntog sa katotohanan, sumuko sa kalandian ni CRISTINE REYES?

January 30, 2013

cristine rayverKapag bagsak daw ang emosyon ng babae ay alahas ang pinagdidiskitahan niya.

Kapag malungkot naman ang lalaki ay kotse agad ang pumapasok sa kanyang isip para bilhin.

Ganu’n ang nangyari nang magkahiwalay sina Rayver Cruz at Cristine Reyes, bumili agad ng bagong sasakyan ang aktor, ayaw na siguro nitong mag-iwan pa ng mga alaala ni Cristine sa kanyang kotse.

Hindi maganda ang lumulutang na tunay na dahilan ng hiwalayan nila, walang kuwento ng hindi pagkakasundo sa kanilang hiwalayan, ang mas lumalabas na dahilan ngayon ay ang pakikipagkita pa rin ni Cristine sa ibang lalaki habang magkarelasyon pa sila ni Rayver.

Napakabait pa naman ng aktor, wala kang maririnig na kahit ano mula sa kanya, kaya inis na inis ang marami kay Cristine at kuhang-kuha naman ni Rayver ang simpatya ng mas nakararami.

Kakambal na yata talaga ng inunan ni Cristine nang ipanganak siya ang kanegahan, palagi siyang hindi naiintindihan ng publiko, pero ayon naman sa isang nakausap namin ay dahil na rin ‘yun sa kanyang kagagawan.“Bastusin mo ba naman ang mismong kapatid mo, awayin mo ba naman ang kapatid mo, anong ganda ng image ang makukuha niya?

Hanggang hindi niya natatanggap ang katotohanan na siya ang dapat humingi ng sorry sa kapatid niya, e, magiging ganyan na palagi ang tingin sa kanya ng publiko!” naiinis na pahayag ng isang nakausap naming source.

At ang nakakaloka pa, bait-baitan ang babaeng ito kapag iniinterbyu pero kapag wala na siya sa harap ng mga camera, aysus naman!

Kailangang pagmumugin sa pulot si Cristine Reyes sa sobrang talas ng kanyang dila.

“Deceiving!” sabi nga ng isang impormante.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: