Skip to content

SARAH palihim na nakangisi sa hiwalayang RAYVER-CRISTINE

January 29, 2013

sarahSiguro’y lihim na lang na napapangiti ngayon si Sarah Geronimo tungkol sa nangyari sa relasyon nina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Hindi naman natin maaasahang maglulundag pa sa tuwa si Sarah tungkol sa paghihiwalay ng dalawa, pero magpakatotoo na tayo, matinding sakit ang natikman niya nu’n dahil pakiramdam ng dalaga ay hindi man lang siya pinroteksiyunan ni Rayver nang pagsalitaan siya ng kung ano-ano noon ni Cristine.

‘Yun ang mahirap kapag masyadong bumibigay ang isang babae sa pakikipagrelasyon, inaway ni Cristine noon si Sarah, ipinagtanggol nito si Rayver sa pag-aakalang magiging sila na habambuhay.

Hindi nagsasalita noon ang binata tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya ng kampo ni Sarah, si Cristine ang sagot nang sagot, palaban noon ang seksing aktres.

Pero wala ring nangyari sa kanilang relasyon, humantong din ‘yun sa paghihiwawaly, ano nga kaya ang nararamdaman ngayon ni Sarah tungkol du’n?

Naka-move on na si Sarah, wala man siyang boyfriend ay siguradong lipas na para sa kanya ang nakaraan nilang relasyon ni Rayver, hindi rin gugustuhin pa ng singer-actress na maulit ang gulo sa kanilang pamilya nang dahil sa aktor.Pareho na lang silang loveless ngayon ni Cristine.

Ang pagkakaiba lang nila ay wala talagang karelasyon si Sarah, samantalang si Cristine, wala mang karelasyon ay may kakaibang paraan para maging masaya sa piling ng kung sinumang mataypan nito.

Ganu’n ‘yun.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: