Skip to content

Bukod kina DEREK at DENNIS, CRISTINE may dine-date pang actor-director

January 29, 2013

cristineSpeaking of ASAP, nasa Iloilo ang buong grupo last Sunday para sa Dinagyang Festival.

Marami kasi ang nakapuna sa kakaibang kakulitan ni Cristine Reyes habang enjoy na enjoy itong nagho-host.

Ayon sa nakarating sa aming tsika, kakaiba raw ang energy ni Cristine, lalo na kapag tungkol na sa pag-ibig ang usapan.

After nga raw ng event at nagkasama-sama na ang mga Kapamilya artists sa pag-entertain ng mga tao ay tunay namang walang reklamo sa pagpapa-picture at pakikipag-kulitan si Cristine.

“Maya’t maya rin niyang sinasagot ang kanyang phone,” sey pa ng kausap namin.

Hmmm, hindi ba’t parang kailan lang ay umamin pa sa madlang pipol ang sexy actress kasama ang dating BF na si Rayver Cruz tungkol sa kinahantungan ng kanilang romansa?

Mukhang totoo nga ang kuwento na may bago nang lalaking nagpapasaya sa aktres kaya’t inspired itong magtrabaho at walang reklamo kahit na nakababad pa siya sa arawan.Sino nga kaya ang mahiwagang lalaki ha, kapatid na Ervin?

Totoo kaya ang tsika na nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo?

Whatever happened naman du’n sa issue na lagi raw nagde-date ngayong sina Cristine at Derek Ramsay?

Bukod pa ‘yan sa isang young actor-director na sinasabing laging dumadalaw ngayon sa aktres.

Ay, kahit sino naman ang nasa  sitwasyon ni Cristine na pinaglalawayan ng sandamakmak na lalaki, e, talagang mag-iiba ang energy!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: