Skip to content

ANNE binalahura ng fans ni MAJA

January 29, 2013

anneKahit nag-sorry na sa ‘Maja-rot’ joke sa Showtime

PERSONAL nang nagpadala ng text message si Anne Curtis kay Maja Salvador para mag-sorry sa kanyang “Maja-rot” joke na  binitiwan niya last week sa It’s Showtime.

Bukod pa nga ‘yan sa ginawa niyang public apology sa kanilang noontime show kamakailan.

Ito’y may kinalaman nga sa bangayan ng dating mag-best friend na sina Maja at Kim Chiu.

Hindi kasi nagustuhan ni Kim ang diumano’y pagpatol ng kaibigan sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Ayon sa kasamahan ni Anne sa programa na si Vice Ganda, wala raw kaalam-alam si Anne sa gap between Maja and Kim nang magbiro ito sa Showtime, “Hindi ginawa ‘yon ni Anne para gawing katatawanan si Maja o ma-offend si Maja,” paliwanag ni Vice sa The Buzz last Sunday. Nalulungkot din si Vice dahil pinuputakti pa rin si Anne ng mga masasakit na mensahe sa Twitter at Facebook dahil sa kanyang “Maja-rot” joke.

Personal pa nga raw ang ibang batikos sa kanya ng mga fans ni Maja.

Nabasa namin ang ilan sa mga reaksiyon ng supporters ni Maja laban kay Anne, at bastos na talaga ‘yung ilan sa kanila.

“Ang pagkakaalam ko personal na nag-text si Anne kay Maja.

Pero sa pagkakaalam ko hindi…hindi sumagot.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan, baka hindi nabasa, baka mali na ‘yung number pero sigurado akong nag-text si Anne,” pahayag pa ni Vice.

Pero naniniwala naman si Vice na hindi ito magiging big deal kay Maja.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: